♠️♣️ ᴘʀᴇʟᴜᴅᴇ ᴛᴏ ʟᴏᴠᴇ (43.1)

1522 Words

MABILIS ANG MGA kilos ni Elkakah. Malalaki ang hakbang. Tila hinahabol siya ng sampung kabayo. Marahas na nilingon niya ang mga kasamang pulis. "Nandoon sila! Bilisan niyo!" malakas na utos niya. Nagsitalima naman ang mga ito. Wala naman siyang ideya kung nasaan si Louisse. Nang pinuntahan niya ito ng lunch ay wala na ito at nang i-review nola sa CCTV ay nakita nga nila na may dumukot rito at inilagay ito sa malaking kahon. Sa tulong ng impluwensiya at pulis ay nalocate naman nila ang tanging tao na maiisip lang niya gumawa nito, walang iba kundi si Shane Harvey. At tama nga siya. Dahil ano ang gagawin nito sa gitna ng karagatan? At bakit mga naka-armado ang mga ito? Nang makita sila nito ay agad na nagpulasan ang mga kasama nito at pinaulanan sila ng baril. "Yuko!" sabi ng isang pulis.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD