♠️♣️ ᴘʀᴇʟᴜᴅᴇ ᴛᴏ ʟᴏᴠᴇ (23.1)

1663 Words

ILANG ARAW NA ang lumipas simula noong sinabi sakaniya ni Elkanah na gusto siya nitong ligawan. At hindi nga nagkamali si Louisse, dahil mas mabilis pa sa alas-kwatrong kumalat ang balita na iyon, at tiyak niyang hindi man niya sinabi iyon sa kapatid, ay alam na iyon ng Kuya Ambrose niya. Pero wala naman itong sinasabi sakaniya. Na siyang pinagtataka niya, dahil alam niyang maghuharumentado ito kapag nalamang ang nanliligaw sakaniya ay parang kapatid na lamang niya! Masyadong obvious si Elkanah sa affection na ipinapakita nito sakaniya. Kalat na sa buong kompanya ang panliligaw nito sakaniya. At iyon ang pinakakinatatakutan niya, kahit anong mangyari, may mga taong may masasabi at masasabi talaga sakaniya gaano pa siya kabuting tao. At hindi handa sa ganoong kritisismo at judgment ng iban

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD