♠️♣️ ᴘʀᴇʟᴜᴅᴇ ᴛᴏ ʟᴏᴠᴇ (39.1)

1311 Words

"A-ANO BA SHANE, h-hindi ako nakikipagbiruan, ha. P-Please u-umuwi ka na. P-Parating na ang Kuya Ambrose," nanginginig ngunit pilit pinatatag ni Louisse ang boses. Kinakabahan na siya sa ikinikilos nito. Parang ibang tao ito at hindi niya kilala. Nagsisimula na rin siyang kilabutan sa nakangising ngiti sa labi nito na parang demonyo. "Sinabi kong wala akong pakialam kahit abutan niya pa tayo! At hindi ako uuwi!" malakas na sabi nito at dumagan pa lalo sakaniya. Lumarawan ang pagkatakot sa mukha ng dalaga. Nahawaka niya ang remote ng TV sa center table at balak sana ihampas dito ngunit naging maliksi ito at naagapan ang paghampas niya. Kinuha nito ang remote at ibinato na lang sa sahig. Malakas siyang napasinghap nang bumaba ang mukha nito sa leeg niya, mabilis na tinakpan ng kamay niya a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD