♠️♣️ ᴘʀᴇʟᴜᴅᴇ ᴛᴏ ʟᴏᴠᴇ (9.1)

1616 Words

NANG MAKARATING sa opisina ay inabutan niya ang taxi driver ng 500 at hindi na nagabalang kunin ang sukli. Ambrose bought her a car, pero coding iyon ngayon at nasaktuhan pang nalate siya ng gising. It is already 8:10 am at talagang late na siya, pagka check-in niya sa biometrics, ang mukha ni Mrs. Siao ang nakita niya. Ang asawa ng matandang boss niya. Walang posisyon si Mrs. Siao dito at housewife ito. Iyon nga lamang, hobby nito bumisita sa kompanya at manduhan silang lahat na parang ito ang immediate boss. "Louisse, sa dami rami ng araw, bakit ngayon mo pa napiling malate? Diyos ko, kanina ka pa hinihintay ni Ms. Minchin at siguradong sermon nanaman ang abot mo," bulong ng isang katrabaho niyang si Jane. Miss Minchin ang naging palayaw nila sa asawa ng amo pagkat lagi itong masungit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD