Chapter 3
[ Twinkle ]
Galit na galit na ako.. galit na galit na ako sa kanyang harapan pero mistula siyang aso sa sobrang lapad ng pagkakangisi niya sa akin. Aso.. tuta.. yan ang laging pang inis niya sa akin noon at hanggang ngayon ganoon pa rin ang epekto noon sa akin. Kaunting kaunti na lang sasabog na talaga ako, talagang mamumura ko siya ng malutong at maraming beses. Bwisit na bwisit na ako... isa.. dalawa.. tatlo.. apa--------------- handa na akong sigawan siya ulit pero natigilan at natulala ako ng marinig ko ang napakalakas niyang tawa... na talaga namang nagpatayo ng mga balahibo ko sa aking buong katawan..
ang sexy..
ang sexy sexy ng kanyang tinig..
husky..
Wala na nalulon ko na ang aking sariling dila dahil mas pinagtuunan ko ng pansin ang kanyang mga mata.. he was laughing at my expense kahit pa nga nakakainis at nakakagalit pero nakita ko.. kitang kita ng aking dalawang mga mata na napatawa ko siya ng walang pagkukunwari.. yung parang gaya ng dati.. yung parang hindi siya nasasaktan ng dahil sa babaeng iyon. Lyka.. Lyka Montefalco I cursed that name many times in my head.. lalo na ng una kong malaman iyon kay Fritz.. kahit pa nga hindi ko alam ang talagang nangyari.. nasaktan ako para sa kanya..
" Tumutulo na naman ang laway mo sa akin Kelly. Minsan talaga sumisingit sa isip ko na matagal ka ng may lihim na pagnanasa sa akin. Damn!! parang gusto mo na akong kainin ng b-----------
Nanlaki ang aking mga mata pagkatapos para akong tanga na hinawakan ang aking baba at gilid ng labi ko na parang may laway nga doon at papahiran ko iyon.. bumuka ang aking labi para magsalita pero naunahan na naman niya ako dahil mas humalakhak siya ng malakas na talaga namang nakakuha ng pansin sa mga empleyado niyang dumadaan sa paligid.. unti unting namula ang aking buong mukha kasabay ng pagtaas ng aking dugo sa ulo.. demonyong lalaking ito!! naisahan ako doon ahhh!!! ang kapal kapal ng mukha!! tumutulo daw ang laway ko sa kanya!! pinagnanasaan ko daw siya!! tang inis!!! oo totoo yun.. matagal na akong aminado doon pero kailangan bang ipagsigawan at ipaglakasan para marinig ng ibang tao!! kahit kailan talaga hindi na siya nagbago!! Wala sa sariling tinanggal ko sa aking balikat ang aking messenger bag at walang sabi sabing lumapit ako sa kanyang kinatatayuan at ipinalo ko sa kanyang ulo iyon.. sapul.. sapul na sapul siya sa noo.. natahimik siya dahil doon.. nanlaki ang kanyang mga mata at ng magtagpo ang aming mga mata hinampas ko siya ulit hindi ko na mabilang.. isa, dalawa, tatlo, apat...hindi ko alam pero ng makabawi siya hinablot niya ang aking kamay na may hawak sa bag at walang sabi sabing inihagis niya iyon kung saan gamit ang isa pa niyang kamay.. tapos.. tapos hindi niya binitawan ang aking palapulsuhan.. hinatak niya ako papalapit sa kanya .. yung halos magtama na ang aming mga ilong..shit!!! s**t!!! damang dama ko ang pagdampi ng kanyang mainit ng hininga sa aking kanang pisngi.. halos magkandaduling duling ako sa pagtingin sa kanyang mga mata na nagliliyab sa galit.. nawala na ang pagbibiro doon.. nawala na yung ningning na pang iinis.. nakukuryente ako.. nakukuryente sa paglalapit ng aming katawan.. nanghihina ang aking mga tuhod dahil sa kanyang pabango na nanunuot sa aking ilong.. holy mary mother of christ , the lord is with you, blessed thy woman an-------------
" You'll gonna pay for that. " huli na ng mapagtanto ko ang kanyang ibig sabihin dahil nasa labi ko na ang kanyang mainit na labi na nagpupumilit na ipasok ang kanyang dila sa aking bibig.. tulala ako.. tulalang tulala.. his wet tongue was knocking on my teeth pero tila ako na engkanto dahil hindi ko alam ang dapat gawin.. umungol siya.. at tila naiinis na inipon niya ang aking mga buhok mula sa likuran at walang ingat na hinatak niya iyon dahilan para mapasinghap ako at nakapasok siya.. nakapasok ang kanyang makulit na dila at naggalugad.. oh.my.god.. he was kissing me passionately na nakapagparalisa aking buong katawan.. nakikiliti ako.. kinikilabutan.. yung lamang loob ko parang ginagiling dahil sa sarap.. init.. kilig ...
he was kissing me..
the familiarity of his lips..
his sweet, hot and possessive mouth na kulang na lang kainin at lamunin ang aking buong bibig..
pamilyar..
pamilyar na pamilyar..
Wag mong sabihin siya ang lalaking nagnakaw ng una kong halik sa gymnasium ng school namin nung college... siya.. siya yun..
Itinukod ko ang aking dalawang kamay sa kanyang dibdib at itinulak ko siya pero tila balewala lang iyon.. kinagat niya ang aking lower lip dahil doon at ng hindi pa siya nakontento pati ang aking dila.. hindi ako tumutugon sa paglalaro ng kanyang dila pero siya.. sinisipsip at sinusuyo niya iyon.. laway sa laway.. gustong gusto kong tumugon pero natatakot akong mas mapahiya at magmukhang tanga.. alam ko.. alam kong maraming nanunuood sa amin dahil damang dama ko ang kanilang mga mata sa akin.. lalabas akong kahiya hiya kung hindi ko siya mapipigilan..Inipon ko ang aking lakas at buong lakas ko siyang itinulak pero wala pa rin iyong silbi kaya ginawa ko na ang bagay na iyon.. pikit matang sinalubong ko ang kanyang dila narinig ko pa siyang umungol ng dahil doon at mas lalong humigpit ang pagkakahapit niya sa aking bewang.. nagwala ang puso sa sobrang lakas ng t***k noon.. damn!! ang sarap.. ang lambot.. ang tamis tamis n-------- ng lumingkis ang kanyang dila sa aking dila kinagat ko iyon at ng hindi niya pa rin ako tinantanan dahil ang akala niya yata ay tumutugon ako at nagugustuhan ko na ang pananamantala niya sa akin.. hinagip ko ang lower lip niya gamit ang aking ngipin .. hinagip ko ang batok niya at tumingkayad ako at walang sabi sabing kinagat ko iyon ng mariin dahilan para mabitawan niya ako...
" A-Aray!! damn you woman!! "
" No!! damn you!! damn you for kissing me like that!! Bastos ka!! bastos!! kulang pa sayo yan kung tutuusin dapat sinipa pa kita dyan sa hinaharap mo para hindi ka na magka aanak!! m******s ka!! " galit na galit kong sigaw sa kanya habang maluha luha pa... kinagat ko ng pagkadiin diin ang aking lower lip na pakiramdam ko magang maga.. tila ako batang kinukuskos iyon gamit ang aking kanang braso.. kaunting kaunti na lang papatak na ang aking mga luha.. wala akong pakialam kung nag eeskandalo na ako dahil sa aking malakas na pagsigaw.. I am humiliated.. napahiya ako.. kaya dapat mapahiya ko rin siya..
" Wag kang ipokrita dahil alam kong nagustuhan mo rin naman!! Just like the first time that I kissed you!! kunwari ka pa, alam ko naman.. alam ko naman na matagal ka ng may gusto sa akin!! pakipot ka pa!! katulad ka rin n---------------
pak
" How.dare.you!! Wala ka talagang modo!! You kissed me!! ikaw ang nanghalik!! hindi ako kaya may malaking pagkakaiba yon!! So talaga pa lang ikaw ang hudas na lalaking umagaw ng first kiss ko!! Cursed you from the moon and hell!! Gago ka!! gago!! gago!! Wag na wag ka ng lalapit sa akin!! dahil sinasabi ko sayo hindi lang kagat ang matitikman mo sa akin.. talagang mababaog ka sa akin dahil kapag ako nagkaroon ng pagkakataon tutuhurin kita ng maraming beses para maramdaman mong masakit ang ginagawa mo!! hambog!! mayabang!! m******s!! " I was literally shouting on my hearts content but i dont give a damn kahit pa nga kanina pa nagpapatakan ang aking mga luha sa aking dalawang mata.. hindi ko iyon pinansin.. tiningnan ko siya ng masama na tulala ng nakatingin sa akin.. kunut na kunot ang kanyang noo habang nakatingin sa aking luhaang mga pisngi.. pinalis ko iyon gamit ang aking braso.. paulit ulit ko iyong tinuyo.. bata na kung bata ang aking asta.. wala akong pake!! huminga ako ng malalim at buong talim ko siyang tiningnan pa ng isang beses at tumalikod ako.. naglakad ako papalayo sa kanya.. taas noo.. hindi ko pinansin ang mga matang nakasubaybay sa akin.. dire diretso pero napatigil ako ng marinig ko ang kanyang mga huling sinabi...
" We will meet again, Kelly and I promised you once na magkadikit ulit ang ating mga balat.. malanghap ko lang ulit yang nakaka engganyo mong pabango at maipaloob lang ulit kita sa aking mga braso.. hindi lang halik ang matitikman mo sa akin dahil tinitiyak ko sayo.. bago mo ako mabaog.. bubuntisin muna kita. "
ang hudyo!!
nagbanta pa talaga!!