THIRD PERSON'S POV MALAKAS ANG kabog sa dibdib ni Ana habang nasa labas ng bintana ang kaniyang paningin. Kanina pa siya kabado lalo at katabi lang niya si Xyro na siyang nagmamaneho ng magara nitong sasakyan. Narinig niya ang pagtikhim ni Xyro kaya naman kaagad siyang napalingon dito. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin dahil nakakaramdam siya ng pagka-awkward lalo na nang sulyapan siya nito sandali. Tipid din kasi ang pagkakangiti nito sa kanya. Hindi niya tuloy malaman kung ngingitian ba niya ito o iiwas ng tingin. Parang nag-iilang silang dalawa sa isa't isa. Pero mas lalo na siya. Lalo na ngayon na palapit nang palapit sila sa destinasyon at palakas nang palakas ang t***k ng kaniyang puso. "Ayos ka lang ba? Kinakabahan ka ba?" tanong ni Xyro. Huminga siya nang malalim bago tuma

