THIRD PERSON'S POV KUMUNOT ang noo ni Cold sa pagtataka dahil sa narinig niyang sinabi ng kaharap niyang babae. "What?" tanong niya. "That… thing…" Naiintindihan niya ang nais na ipahiwatig nito. Hindi siya ipinanganak kahapon para hindi malaman kung ano ang sinasabi ni Spicey. Sa dami ng taon at sa dami ng babaeng nagalaw niya, imposibleng hindi niya ang tungkol dito. Gayun pa man ay hindi naging peke ang gulat sa kaniya. Sa lahat ng babaeng nakasalamuha niya, si Spicey ang hindi niya inaasahan na mag-aalok sa kaniya nang ganito. She is innocent. She is pure. Walang halong pagpapabebe ang ugali at katauhan ni Spicey. Hindi siya tulad ng ibang babae na kunwari, walang alam sa ganoong bagay pero mas wild pa pala kapag nasubukan. Though, hindi pa naman nasusubukan ni Cold ang babae. P

