SPICEY'S POV KINUWENTO sa akin ni Ana at Rica ang nangyari. Pinalabas muna nila si Cold dahil hindi sila komportable na may nakakarinig sa pribadong usapan na kanilang sasabihin. Hindi man ako sang-ayon sa ganoon ay ang lalaki na rin ang kusang dumistansya. Ayaw niya raw makialam sa sensitibong usapan na tanging pamilya lang ang dapat na makaalam. Muli akong humanga sa kaniya. Napagaling niya talagang mangumbinsi. Nasaan na kaya ang lalaking iyon? Siguro ay naglilibot iyon dito sa hospital o hindi naman kaya, lumabas sandali para makapahinga. Mamaya ko na lang siya hahanapin. "Ganoon na ang nangyari," saad naman ni Ana na siyang nakapagpabalik ng isip ko mula sa paglipad nito. Sinabi niya iyon sa dayalekto namin kaya mas lalo kong naintindihan. Sumama ang pakiramdam ko. Kararating la

