Katulad ng sinabi ni Ken ay dumiretso kami sa condo niya. Ipinagluto niya ako ng carbonara at pinakain bago pinainom ng gamot. Nagkwentuhan kami tungkol sa huling linggo ko sa Burning Colds at nakapagkwento rin siya tungkol sa pinuntahan nilang conference ni Sofia. Pilit akong humahanap ng pagkakataong masabi sa kaniya na nahalikan ako ng di sinasadyan ni Kyle dahil lasing siya pero sa takot kong masira ang mga ngiti sa labi ni Ken ay hindi ko iyon masabi-sabi. "Sa frontdesk na kita ipapa-assign sa Monday okay?" Marahan nitong pinisil ang kamay ko na hawak niya. Tumango ako at masayang tinitigan ang kamay naming magkahawak. Kailanman ay hindi ko naisip na mangyayari ito. Ken is not the typical guy, marami siyang traits na akala mo ay sobrang hirap abutin. I never knew I can be this luck

