The days went so fast at ngayon ay Lunes nanaman. Ito ang unang araw ko sa frontdesk bilang receptionist. Sa tulong ni Ken ay naayos kaagad ang schedule ko at maging ang mga kailangan ko katulad ng uniform. "Bagay sayo ang uniform mo princess," Kuya Bryan smiled when he saw me wearing the uniform. Ngumiti naman ako at tumingin sa repleksyon ko sa salamin. I sighed, this will be another start for me at sana ay marami rin akong matutunan. I'm really looking forward for this day. "Nandiyan na ang sundo mo," tawag nito nang marinig namin ang doorbell. Kinuha ko na ang bag ko at inihatid naman ako ni kuya sa labas. Bumungad sa amin si Ken na bihis na bihis din dahil mayroon silang meeting sa hotel ngayon. Another thing that I admire about him is that he can really do things well, kahit pa

