"Ayaw mo ba talagang kausapin ang mga kaibigan mo?" Lumingon ako sa taong nakasilip sa pintuan ng kwarto ko. I saw my brother looking at me worriedly, umiling ako. He sighed, matagal pa muna nito akong tinitigan bago nagpasyang umalis na. Napabuga ako ng hangin, akala ko ay may sasabihin pa ito. I took my phone and stared at my wallpaper, sa larawan naming dalawa ni Ken noong minsang dinala niya ako sa butterfly restaurant. I stared at my happy face and sighed. I miss him, I badly miss my Ken. Gusto ko siyang kausapin, gusto ko siyang makita pero paano? Hindi ko alam kung paano. Buong araw na akong nagkukulong sa condo, mabuti nalang at Christmas break. And come to think of it, magpapasko akong ganito ang nararamdaman. Dumapa ako sa kama at isinubsob ang mukha sa unan. I am wasted, p

