CHAPTER 6

1468 Words
Chapter 6: Meeting the 12th Prince of Denmark KAHIT na sinabi na sa akin ni Xenus na wala kaming anak ay hindi pa rin nawala sa isip ko ang batang babae na iyon. Malakas ang kutob ko na nakilala ko na siya at alam ng puso ko kung sino siya sa buhay ko. Hindi ko alam kung bakit ayaw akong paniwalaan ni Xenus. Kahit nawala man ang alaala ko ay hindi ko makakalimutan ang anak ko. Alam kong anak ko siya, hindi ako puwedeng magkamali. I feel like there’s something wrong. “Jhed.” Hindi ko pinansin ang tumawag sa akin dahil alam kong si Xenus lang iyon. “Jhed, hey,” he said at naramdaman ko na lamang ang pagyakap niya sa akin from behind. Nanuot agad sa akin ang matapang na perfume na gamit niya. Mainit ang klase nang yakap niya pero wala akong maramdaman na tila pamilyar ito sa akin. Wala akong nararamdaman na kahit na ano. Nang hindi pa rin ako kumikibo ay iniharap niya ako sa kanya kahit naka-wheelchair pa rin ako. Ikinulong ng dalawang palad niya ang pisngi ko. “Nahanap mo na ba si Renna Cerae, Xenus?” tanong ko at tumigas lang ang expression ng mukha niya. It seems na hindi niya nagustuhan ang narinig niyang sinabi ko. “Jhed, how many times do I have to tell you that we don’t have a daughter?” malamig na tanong niya sa akin. Hinawakan ko ang kamay niya at nagmamakaawa ko siyang tiningnan. “I told you na hanapin ang anak ko, Xenus. Naniniwala ako na totoo siya at anak ko siya,” sabi ko na ikinailing niya sa akin. Binawi niya ang kanyang kamay at tumayo siya. “Xenus...” “Yes. May anak na sana tayo pero nawala siya noong pinagbubuntis mo pa lang siya. That’s because of your car accident, Jhed,” sabi niya at nag-init lang ang sulok ng mga mata ko. “Xenus...” “I’m done talking with you,” malamig na saad niya saka niya ako iniwan. “Xenus...” Bakit ganoon siya sa akin? Bakit ayaw niya akong paniwalaan, eh ako ang asawa niya? Bakit? Bakit niya ako pinapahirapan ng ganito? Bakit hindi na lamang niya ito hanapin para sa akin? Renna Cerae... Alam ko talaga na hindi ka ibang bata sa akin. You’re my daughter, Renna. N-Nasaan ka na ba? Nang sumapit ang gabi ay nagdala lang ng pagkain ko sa room ko ang mga kasambahay. “Where’s Xenus?” I asked them. Naninibago lamang ako dahil noong nagising na ako from my comatose ay kasama nila palagi ang asawa ko sa tuwing nagdadala sila ng pagkain ko. Siya ang nagpapakain sa akin. “Umalis po kanina si Prince Xenus, Young Lady,” sagot sa akin ng isa at hindi ko alam kung bakit palagi kong naririnig ang pagtawag nila kay Xenus na prince. Iniisip ko na baka first name niya iyon. Kahit ang pangalan ng sarili kong asawa ay hindi pa ako sure kung Xenus lang ba talaga o may karugtong pa ito. Pero nang makita ko ang kabuuan ng mansion namin ay doble ang laki nito kaysa sa mga normal na mansion lang. Malawak ang ground nito at makikita rin mula sa malayo ang matatayog na punong kahoy na nakapalibot sa mansion. Fifth floor din ito, may sarili siyang gym, entertainment room, ball room. Sampu ang guest room at may malaking swimming pool. Sa likod ng mansion ay may soccer field naman at malawak din siyang garden. Dalawang araw kong hindi nakita si Xenus dahil siguro... Nagalit talaga siya sa akin. Kasi hinahanap ko raw ang batang babae na hindi naman daw nag-e-exist sa mundo. Wala naman akong magawa para tawagan siya dahil wala akong cellphone at hindi ko rin naman alam kung paano ko siya matatawagan. May isang tauhan siya na sumama sa akin sa hospital para sa physical therapy ko. But ilang days na lamang ay matatapos na ang therapy ko at tuluyan na akong makaka-recover. Habang pauwi na rin kami ay may isang sasakyan ang humarang sa dinaraanan namin. Napatingin ako sa labas ng bintana at bumaba ang isang lalaki roon. “What’s wrong?” tanong ko sa kasama ko. “I will take a look, Young Lady,” she said and got off from the car. Pinanonood ko lamang sila sa labas pero nagulat ako nang makita kong naglalaban na sila. Hindi ko inaasahan na marunong pala sa...uhm, ano ba ang tawag doon? Martial arts? Malapit na kami sa village at sa pagkakaalam ko ay walang ibang tao ang nagtatangkang pumasok sa Lindbergh village. Binuksan ko ang pinto ng sasakyan at bumaba ako. Nagagawa ko namang tumayo dahil nakatulong sa akin ang physical therapy ko. “No, Young Lady! Back to the car!” sigaw nito sa akin pero hindi ako nakinig. “Oh, so. The rumors are true that my brother, he has his own mistress now,” ang sabi ng lalaki at nagagawa pa rin niyang magsalita sa kalagitnaan nang paglalaban nila. Kunot-noong napatingin ako sa mukha niya. Kamukha niya si Xenus. Bumagsak sa sahig ang kasama kong babae at napadaing pa siya sa sakit. Lalapitan ko na sana siya pero pinigilan ako ng lalaki. Matangkad din siya at katulad ni Xenus ay malaki ang pangangatawan niya. “Who are you?” I asked him. “I am Zemuis McCarthy Levanna-Lindbergh, the 12th prince of Denmark.” Mas lalong nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Ano raw ulit? Second prince of Denmark? “What are you talking about? What is the 12th prince of Denmark?” I asked him in confused. “I am the second son of 4th Prince George Spender Levanna-Lindbergh,” he added. “We don’t have time for your game, Mr-who-ever-you-are. Let us go and don’t block our car,” malamig na sabi ko but he just chuckled. “So, my big brother. He found a stone-hearted woman and a bravish one. Hi, milady. Can I know your name?” Bakit ba ang kulit niya? Sinabi na wala akong panahon para makipag-joke sa kanya. Ang feeling niya ay nagmula siya sa royal family? Literal na nakikipaglokohan lamang siya sa akin. “I’m Cashren, so please move out,” malamig na sabi ko at sumakay na ulit ako sa kotse pero nagmamadali rin siyang sumakay at sa driver’s seat pa. “What the hèll are you doing?” I asked him in a cold voice. “Hmm, you just cursed me, milady. It’s my first time that someone cursing me and insulting me,” he said. “I am not. Where did you taking me?!” natatarantang tanong ko sa kanya nang nagsimula na siya sa pagda-drive niya. “I will take you somewhere, milady. Don’t worry, I won’t hurt you.” “What do you want from me, then?” tanong ko pa sa kanya. “Hmm, nothing.” Hindi na lamang ako nagsalita pa at alam kong wala naman siyang gagawin sa akin dahil kapatid niya si Xenus. Halata na iyon sa hitsura niya. Hinintay ko lamang kung saan nga ba talaga niya ako dadalhin. But I was shocked again when I saw a...huge mansion---no... Hindi ito isang mansion kundi... “I am Zemuis McCarthy Levanna-Lindbergh, the 12th prince of Denmark.” “I am the second son of Prince George Spender Levanna-Lindbergh.” H-Hindi ba... Hindi ba ako pinaglalaruan lang ng lalaking ito at totoo ba ang sinabi niya kanina? Na isa siyang prinsipe? Napahilot ako sa sentido ko dahil hindi ko na alam pa ang gagawin ko. Isang patunay na nga ang place na ito. Kaya ba... Prince Xenus ang tawag nila sa asawa ko dahil isa nga itong prinsipe? Pero...pero paanong... Paanong naging mag-asawa kami? Gayong...iba naman yata ang nationality ko. Naguguluhan na ako sa nangyayari. “We’re here, milady.” “If you are a prince, you are not doing well right now that you’re just drag the woman without her permission. That’s one prince’s bad manners. Even if you are higher than me you still don’t have the right to do this to me,” malamig na saad ko at nang nilingon niya ako ay sumama lang ang tingin ko sa kanya na halos irapan ko na siya. “Milady, you have your own power against me. You married my brother. So... I can even call you a princess.” “I don’t care about your royal family, ibalik mo na lang ako sa bahay namin,” mariin na sabi ko na ikinalaki ng mga mata niya. “You... I know that language. You are from Philippines!” he said. I heaved a sigh. Philippines? “What are you talking about?” naguguluhan kong tanong. Kung ang salitang iyon ay nagmula sa Philippines. Maybe... Yes... I remember it... I’m a Filipino citizen.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD