Kahit ang atensyon ni Magdalene ay nakuha ng sambitin ni Byron ang pangalan ng mga kaibigan niya. Naroon ang pagtataka sa kanyang mukha. Kung paanong kilala ni Byron ang apat. Unti-unting ibinaling ni Magdalene ang mukha sa minanamahal. Nakita niya sa mga mata nito ang pagkasabik at kasiyahan na makita ang mga kaibigan niya. Hindi niya alam kung anong saya ang kanyang nararamdaman sa kaalamang maaaring kaibigan din ni Byron ang mga kaibigan niya. Nakita ni Magdalene na tinapik ng mommy ni Byron ang nurse na may tulak sa wheelchair ng binata. May sinabi lang ito sa mag-asawa at umalis na rin. Napansin pa niya ang pagpunas ng ginang sa pisngi nito. Sa tingin niya ay mayroon pumatak doon na mga luha. Ang daddy naman ni Byron ay nakangiting nakatingin sa kanila. O mas dapat sabihin na sa mga

