Chapter 6

1071 Words
Ardel Jake's P. O. V. Nakaupo ako sa sofa, ganoon din si Mommy na nasa tapat ko. Ginagamot naman ni Yaya ang sugat niya sa tuhod na ngayon ay dumudugo. It's not my fault na nagkasugat siya, hindi ako ang nagpahabol, she decided na habulin ako and lampa siya. "Is this how you greet your mother?" tanong niya. "I don't even want to greet you," cold kong sambit. Niyukom niya ang kamao niya at nakatitig lamang sa mga mata ko. Kitang-kita ko ang panggigigil sa kaniya. "I am here to tell you what you are going to do to save you father's company. Para kapag namatay ako naka-settle ka na. Mahirap na mamatay ako tapos sa 'yo lang maiiwan ang business, hindi ako papayag--" "Sino ba may sabing gusto ko kuhanin ang business ni Dad? If you don't trust me then don't give it to me," ani ko at tumayo. "ARDEL! SIT DOWN!" Niyukom ko ang kamao ko at padabog na bumalik sa sofa na inuupuan ko. "You don't have a choice, nag-iisang anak ka ni Piolo!" sigaw niya. "Then what?" "You will marry the daughter of my friend, sa ayaw at sa gusto mo. She will handle our business na iniwan ng Daddy mo tutal wala kang alam at wala kang balak pangalagaan ang naiwan niya---" "Buong buhay ko ba kokontrolin mo 'ko!?" sigaw ko at tumayo. "Ardel! Huwag mo sigawan ang Mommy mo!" saway sa akin ni Yaya. Tumayo din si Mommy. Humakbang siya papalapit sa akin. Nagulat ako nang bigla niya akong sampalin sa aking pisngi. Napahawak ako sa pisngi ko dahil sa sakit ng sampal niya. "How dare you! Ginagawa ko 'to para sa kinabukasan mo at ng business ng Daddy mo. I am risking everything--" "Then don't do it! Pabayaan mo na kaysa pati ako dinadamay---" Hindi ko naipagpatuloy ang pagsasalita ko nang sampalin niya akong muli. "You'll marry her, at the age of eighteen." Nanlaki ang mga mata ko. I am seventeen, next year na agad... Wala man lang akong magagawa? "If you want someone to save my father's business then make a new child na susunod sa lahat ng gusto mo!" sigaw ko. "Kung pwede lang, Ardel. Ilang taon akong nagluluksa na hindi man lang nabuhay ang kapatid mo. Kung sana, siya na lang ang magmana ng business na iniwan ng asawa ko. Pero hindi, hindi siya nabuhay, Ardel." Kinuha ko ang bag ko na nasa sahig at saka naglakad. "Ikakasal ka sa ayaw at sa gusto mo--" "I'd rather end my life than marrying a woman that I don't even know," ani ko at naglakad paakyat ng hagdanan. "ARDEL JAKE!" sigaw ni Mom. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa kwarto. Nagtungo ako kaagad sa banyo para maligo. Gusto ko nang matapos ang gabi na 'to, gusto ko na pumasok sa school. Makasama ang mga barkada ko, makakilala ng mga babae na magkakandarapa sa akin. Nakatitig lang ako sa pader habang bumubuhos ang maligamgan na tubig mula sa shower. "F*ck my life..." ***************** Mavis Nhea's P. O. V. Pagpasok ko sa room ay nakita ko ang bag ni Ardel pero wala siya, alam na niya kaya ang nakaplano para sa aming dalawa? Ano kayang magiging reaksyon niya? Dahil hindi pa ako nag-aalmusal at maaga pa naman. Kinuha ko ang sandwich sa bag ko, nahihiya ako kumain dito. Ibinulsa ko ang tinapay saka mabilis na lumabas ng classroom. Nakayuko ako habang naglalakad ng hagdanan patungo sa rooftop. Pagdating ko sa rooftop ay nakasarado pa ang pinto. Sira naman ang lock nito kaya nabubuksan naming mga estudyante. Nalanghap ko kaagad ang sariwang simoy ng hangin kaya napangiti ako. Pakiramdam ko ibang-iba ang takbo ng buhay ko gayong nalaman ko ang plano sa amin nila Mommy. Masaya sa pakiramdam, nakakasigurado akong ikakasal sa akin si Ardel sa ayaw at sa gusto niya. Naupo ako sa isang upuan na sira saka kinain ang sandwich ko. Nakangiti ako sa kalangitan habang patuloy sa pagnguya. "Siguro ito yung purpose ko, tama ba, Lord?" tanong ko. Kahit alam kong hindi siya magsasalita para sagutin ako. Alam ko na bibigyan niya ako ng sign, alam ko 'yon. Akmang kakagatin ko ang sandwich nang bigla na lamang may sumipa sa pintuan ng rooftop dahilan para makagawa ito ng malakas na tunog. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Ardel dire-diretso siyang naglakad patungo sa railings, hindi man lang siya lumingon sa paligid kaya hindi niya ako nakita. Pinanood ko siyang maglabas ng sigarilyo sa kaniyang bulsa at isang lighter na gawa sa bakal at may tatak na AJ. Bakas ang galit sa mukha niya. Mabilis ang paghithit at pagbuga niya sa sigarilyo. Bigla namang humangin at nalanghap ko ito, hindi ko napigilang maubo dahil mayroon akong asthma, allergic ako sa mga usok kagaya ng sigarilyo. "Nandito ka na naman!?" sigaw niya. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla itong lumakad papalapit sa akin. Magkasalubong ang kaniyang kilay. "Ano bang sabi ko sa 'yo!?" sigaw niya at binitawan ang upos ng sigarilyo nito. "S-Sorry, kumakain lang naman ako---" Hindi ko natuloy ang pagpapaliwanag ko nang hawakan nito ang kwelyo ng blouse ko. Napatayo ako. "You're not allowed here," seryoso niyang sambit. Amoy na amoy ko ang sigarilyo sa hininga niya dahilan para mapaubo ako lalo. Napahawak ako sa dibdib ko at sinubukang huminga ng maayos. "S-Sorry--" bulong ko. Binitawan niya ang kwelyo ko nang nagpatuloy ako sa pag-ubo. Hinampas ko ng ilang beses ang dibdib ko. "Mamamatay ka na ba?" sarcastic niyang tanong. Tinignan ko siya sa mga mata niya, napakagwapo niya talaga pero hindi kagandahan ang ugali niya. "H-Hindi, s-sorry," ani ko. "Kapag bumalik ako dito at nakita kita ulit, gagawin ko talaga yung mga pagbabanta ko sa 'yo," aniya. Mukhang hindi niya pa alam ang tungkol sa kasal. Ano pa kayang galit ang mararamdaman niya kapag nalaman niyang sa akin siya ikakasal? Kinakabahan ako, pero masaya ako na ikakasal kami. "O-oo, aalis na ako, pasensya na," ani ko habang hindi tumitingin sa kaniya. Lumakad ako papunta sa pinto, sa paglalakad ko pababa ng hagdanan ay nagulat ako nang makita ang kausap ni Ardel kahapon na sinabing pinsan lang niya. Nagkatinginan kami pero agad siyang nag-iwas at dinaanan lamang ako. Binilisan ko na ang paglalakad pabalik sa classroom namin, ilang minuto na lang naman at magbe-bell na. Pero iniisip ko pa rin, ano kaya ang magiging reaksyon ni Ardel? Kailan niya ba malalaman? **************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD