ANGELO NAGISING na lang ako sa isang kwarto. Nahihilo ako nang dahil sa gutom. Hindi ko rin alam kung anong oras na ngayon. Tumitibok ang ulo ko dahil sa sakit at halos hindi ko alam kung paano ako tititig sa maliwanag na ilaw sa kwarto na ito. Bumangon ako at dahan-dahan akong naglakad papunta sa pintuan. Binuksan ko iyon at saka ako sumilip ng bahagya. Nakita ko sa sala si Padre Tiago at si Padre Isagani na ngayon ay nanonood ng balita. Nasa kumbento na nga pala ako. Wala na kasi akong malay kanina nang matapos ang ginawa sa akin ni Padre Isagani sa kalsada na iyon. Hindi ko alam kung paano nga ba kami nakauwi. Unti-unti akong lumabas at hindi ako gumawa ng kahit na anong ingay. Naglakad ako palapit sa kanila. Si Padre Tiago ay nakaupo na nakatalikod sa kusina, si Padre Isagani

