ANGELO ARAW ng Sabado ay naging abala ang lahat para sa pa-liga ng simbahan. Para ito sa mga kabataan na nais lumahok at ang mga pangunahing myembro nito ay kaming mga sakristan. Si Warren ang pangulo namin at siya rin ang kasama ni Padre Tiago sa pagpaplano. Syempre ay naroon din ang bise alkalde na siyang sponsor sa palaro. Ayon kay Padre Tiago, nagbigay ng 50,000 pesos na pondo ang kampo ni Bise Alkalde Bastian para sa mga gustong lumahok. Syempre, mayroon ding mananalo. Si Vice Mayor Bastian Villamor ay 40 taong gulang na, byudo at may nag-iisang anak na si Carlo Villamor, 18 taong gulang, ka-edad ko rin at nag-aaral sa syudad. Si Sir Bastian ay kilala bilang pala-kaibigan at malapit sa mga kabataan. Kaya nga nakahakot siya ng maraming boto mula sa mga kabataan noong panahon ng ka

