ANGELO ARAW ng Linggo, katatapos lang ng misa ay ipinatawag ako ni Padre Tiago. Nasa kumbento na siya at ako ay abala sa paglilinis sa nakatokang lugar sa loob ng simbahan. "Angelo, tawag ka ni Padre." Wika ni Abel na siyang tumawag sa akin, nakatayo siya sa likuran ko habang hawak ang isang walis tambo. "Bakit daw?" Hindi ako agad makatingin sa kanyang mga mata dahil sa totoo lang ay wala akong lakas ng loob, matapos ang lahat ng nangyari. Hindi ko pa rin talaga natatanong si Abel kung ilang beses na nga ba siyang nagalaw ni Padre Tiago, kung mayroon ba talagang namamagitan sa kanila maging sa mga kapwa ko sakristan. Sa totoo lang ay wala akong kaalam-alam. "Basta't tawag ka niya." Iyon lang at hindi na ako kumibo pa. Hinayaan ko na siyang magpatuloy sa kanyang ginagawa at saka ako

