I love you more than you'll ever see More than my heart could ever show I love you more than you'll ever know -More than You’ll ever know by Michael Ruff “Hindi pa nga siya lumalabas ng kwarto kanina pa”. Tinulungan ko na din si Yaya Esang na dalhin ang mga pagkain sa sala. Umupo ako sa tabi ni Fred. Naglagay ng iced tea si Yaya Esang sa mga baso namin. “Tawagin ko lang si Lady Miya”. Nagulat si Miya dahil nasa baba sina Al at Fred. Mugto pa naman ang mga mata niya kakaiyak simula pa kahapon. Kaya’t nagshades muna siya, pinusod niya ang buhok at nagsuot ng oversized jacket. “Miya”. Sabay na sabi nila Al at Fred na sabay ding tumayo sa pagkakaupo. “Wow, sabay?”. “Wow lakas maka hiphop?”. Sabi ni Al sa kanya. “May sakit ka ba?”. Alalang tanong ni Fred. “Feeling under the weat

