Kolas's POV
"Hay Kolas, ano ba ang ginagawa mo sa sarili mo?" pagkausap ko sa sarili. Nakaupo pa rin ako dito at nakatago sa may puno. May nakikinig na akong kaguluhan sa may di kalayuan sa akin at alam kong kagagawan yun ni Morha at ng mga kawal na kalaban niya. Hindi ko alam kung paano kakalabanin ng isang babae ang isang tumpok ng mga lalaki, tapos may espada pa. Kung maghihiwaan sila at mga magpapatalasan ng armas, hindi ko alam kung paano matatapos ang kaguluhan ngayon. Hindi ko sila mga kilala, hindi ko alam kung hanggang saan ang pwede nilang gawin sa isa't isa na nauukol sa batas ng lugar nila. Ang mas pinagtataka ko, ano ba ang ginagawa ko dito?
Oo nga naman, iaasa ko na lang ba ang kaligtasan ko sa babae? Magtatago na lang ba ako at walang gagawin?
"Tsk', mawawaan lang ako ng kwenta dito." pagkontra ng utak ko sa ginagawa. Hindi porque may mga sinabi siya na mga pangako-pangako na yan ay makakayanan na niyang ipagtangol kami dahil lang sa mga responsibilidad niya sa hari daw. Hindi siya mabibigyan nun ng biyaya o kahit anong tulong, walang himala sa pag-alay niya ng buhay para sa akin. Higit pa doon, ,sinabi na rin kanina sa loob ng kwarto na hindi siya sigurado sa akin, tsaka hanggang ngayon hindi pa rin ako naniniwala sa mga kaharian at Liwblus-Liwblus na sinasabi niya. Ngunit kung seryoso siya sa buwis buhay na resposibilidad niya sa akin, hindi ata ako nararpat para makatanggap ng ganung kalaking sakripisyo. Buhay pa rin ang pinag-uusapan dito, mapa- sa kanya o hindi, hindi isang biro ang magbanggit ng may kinalaman sa buhay. Tao lang rin ako, hindi ako Diyos na pwedeng pag-alayan ng buhay. Naniniwala pa rin akong may kapal laamang ang nagkaka-isa at tanging may ganung responsibilidad ang lahat ng nabubuhay. Sabihin man niyang hindi sila tao, kahit mapa-Liwblus pa yan o kahit anong nabubuhay, iisa lang ang pananaw ko, sa Diyos dapat inaalay ang ganyang katapatan. Hindi sa tao.
Pero yung sinabi niya kanina......
"Wag na wag kang mag-uutos sa akin ng mga ganung kalse ng bagay katulad kanina. Hindi mo alam ang pwedeng mangyari kung tatakbo ako. Hindi sa mga ganitong sitwasyon mo ako tatanggalan ng karangalan at dignidad. Wag na wag kang mag-uutos ng mga ganung bagay, naiintindihan mo ba? Hindi mo alam kung gaano kalakas ang epekto ng isang pag-utos mo sa mga katulad kong tiga-sunod mo. Kung hindi mo naiintindihan ang kapangyarihan ng hari, wag kang magpadalos-dalos sa salita mo, dahil pwede namin ikapahamak iyun. Nakuha mo na ba?”
Utos ng hari na hindi pwedeng tanggihan. Iyan ang nakuha ko sa sinabi niya. Sa pagkakaintindi ko rin may kapalit ang pagtanggi sa utos na may kinalaman sa dignidad at karangalan, pero ano yung mga yun? Bagay ba iyun na pwedeng makita? Kung makapagsalita kasi siya ng 'kawal' at 'kaharian' parang nasa isa kaming makalumang libro ng pantasya, kaya iniisip ko kung may mga plaka ba silang iniipon bilang karangalan. Kung gayun, ano ang kapalit? Ikakayaman ba nila iyun o ikakaasenso? May hari pang dagdag, malay ko naman kung totoo iyun o hindi, pero hindi naman siguro masama kung gusto kong alamin yung mga ganung bagay diba? Gusto ko lang makakilala ng isa, baka sakaling yuman ako. Sa usapang pagtratrabaho---ay paglilingkod pala, okay na okay ako dun! Meron rin akong paninindigan at tapat rin sa trabaho, hindi sila madidismaya sa akin kung kailangan nila ng tiga-paglinngkod. Masipag ako at tapat! Mapapakinabangan nila ako ng walang kahirap-hirap. Yayaman rin ako!
Kay Morha lang pala ako makakauha ng premanenteng trabaho, dapat matagal ko na siyang nakilala!
"Ha?" napansin kong gumagalaw ng may pagsunod sa iisang direksyon ang mga dahong nadadagganan ng kamay ko, nakakawindang kaya't napasunod ang tingin ko. Mula sa lupa, umangat ng may isang linya ang mga dahon. Umikot sila sa ere kasabay ng hangin. "Sumasayaw?"
Iyun ang kaya kong ipaliwanag, mga nagsasaw ang mga dahon. Hindi lang iyun, pati ang mga puno ay nakikisabay rin. Sa pagtingala ko, nakita kong ang buong lugar ay gumagawa ng maliliit na tinig, nabuo iyun sa malakas na tunog ng pagkoskos. Pwede rin mga nagmamadaliang tubig sa talon ang kaparehang tunog. Talagang nasa kalagitnaan nga ako ng kagubatan. Ngayon ko lang napansin, napapalibutan ako ng mga puno. Matataas, may mga maninipis na katawan, at magarbong mga sanga.
Humuli ang kamay ko ng isang dahon, may napagtanto ako. "Katulad nung sa mansyon, eto rin yung puno doon."
Hindi ako pwedeng magkamali, lahat ay magkakatulad---kasing tulad nung puno na winawalis ko kahapon. Eto ang mga nagkalat ng mga dahong pinagkakaabalahan ko bago pa man ako mapunt dito. Parehong pareho. Pati na rin yung mga puno, mas marami nga lang ngayon.
Bakit hindi ko napansing kanina pa ako napapalibutan ng mga pamilyar na berde at dilaw na mga dahon?
"WOSHHH!"
May nagpapaspasang mga grupo ng dahon ang dumaan sa gilid ng mata ko, nadala ang tingin ko kasunod nun. Mga nagsisamahan ito sa isang malaking ikot ng mga dahon. Nabubuo ngayon ang ipo-ipo na gawa sa mga dahon. Napaurong ako sa lakas ng hampas ng hangin. Kaya pala kanina pa ako nilalamig! Akala ko ninenerbyos lang ako!
"Pero hindi---ano iyun?" pinatong ko ang kamay malapit sa mga mata ko, sinigkit ko ang mata ko sa pagtanaw sa gitna ng mga dahon. Naandun sila Morha at ang mga kawal na humabol sa amin kanina! Mga naglalaban sila! Hindi ko man makita ang pinakang nangyayari, pero alam kung naglalaban pa rin sila! May tunog akong mga nakikinig mula sa kanila! Mga pag-inda at mga pag-aray, may mga nagsisigawan rin pero hindi ko na maintindihan dahil sa kakaiba nilang lengguwahe.
Hindi ako makapaiwala sa nakikita ko! May mga---may mga lumilipad na tao dito!!!!!!!
"Diyos ko po, nasaan ako?" nanghina ang tuhod ko sa kababalaghang nakita, napaupo ako ng wala sa oras. Ang kanina kong tinatanaw na mga naglalaban ay mga nagpapakita na ngayon sa akin. Paanong hindi?!!!! LUMILIPAD SILA!!!!!!
Kitang kita ko ngayon ang isang bagay na hindi ko pa nakikita sa tala ng buhay ko! May mga taong nasa ere ng walang katali-tali! Walang suot sa katawang kahit ano, basta lumilipad sila! Isa itong bagay na nakikita ko lang sa aksyon na palabas, sa telebisyon ko, sa loob ng mga madadayang imahinasyon ng mga direktor na nanlilinlang sa utak ng mga normal na taong nangangarap para sa pagbabago, sa kakaibang pagbabago. Sa tingin ko iyun ang nangyayari sa akin ngayon, nililinlang ako ng isip ko.
Tama, wala na namang iba eh! Ako lang, sa isip ko lang ito!
"Yan kasi, Kolas, nasobrahan ka sa routine mo sa pang araw-araw. Ganyan talaga pagwalang nagbabago sa mga ginagawa mo, nagiging aktibo ang imahinasyon mo sa kainipan." kinumbisi ko pa ang sarili ko sa pagtanggi sa kalokohang nangyayari ngayon.
"WOSHHHH!"
Mas tumaas pa ang nagagawang sirkular na harang nabubuo ng mga dahon sa pagsasama-sama. Gumagawa iyun ng bakuran sa aksyong nangyayari sa loob, ang ibig kong sabihin ay yung sitwasyon ni Morha. Mas malakas ang tunog ng hangin kaya wala na akong nakikinig pang ingay galing sa kanila. Basta may mga tao lang na napapasilip dahil sa kakayanan nilang lumipad daw.
Sarap batukan ng sarili ko. Sige, trabaho pa Kolas!
Sa dami kong nakikita ngayong araw na to, may iba pa bang dadagdag?!!! Aba, lumilipad na ang mga tao, ano pa ang mas hindi makatotohanan dito na pwedeng mangyari?!
"POFSSSH!"
At mga kaibigan, may dumagdag pa po.
Lumiwanag sa matingkad na pula ang kapaligiran ko, may---may apoy na sumunog sa mga dahong lumilipad malapit sa akin. Nawahi nun ang parte ng natataklubang bakod ng eksena sa gawi ko, nakita ko ang mga nangyayari sa loob. At oo, marami pang mga bagay-bagay na hindi pangkaraniwan ang naroon.
"Wah! Ah-ah, ah, ah." umurong ng kusa ang katawan ko sa hangaring makailag at hindi magpakita sa mga taong bumubuga ng apoy. Umubuga o naglalabas, ewan ko!!!! Hindi sila mga salamangkero o hayop sa plaza, malinaw iyun dahil sa anyo nila, pero may apoy na nang galing sa kanila?!!!! Kanina mga dahon-dahon lang, espada-espada, tapos ngayon may mga kapangyarihan na nga sila?!!!!!!!!!! Ano na pa ang silbi ko sa mundong ito?!!! Ano ang kaya ong gawin?!!! Tao lamang ako!!!! Isang ordinaryo at normal lamang akong nilalang!!
Hindi ako nakakapaglakad sa alambre! Wala akong kakayanang bumali ng kahit anong bagay! Ni hindi nga ako marunong tumugtog ng kahit anong instrumento, at magsulat sa kaliwang kamay! Napaka-normal ko kabit saang parte ng katawan ko! Pero yung paligid ko, lumilipad? May apoy? Wow, ang galing.
“Mababaliw ako dito.” nanghihina ako. Pakiramdam ko lalagnatin ako.
“Ah, naandito ka lang pala.” mula sa taas ay may bumagsak na lalaki sa harap ko, may kapit itong espada. “Kanina pa kita hinahanap. Ano, bakit hindi tayo ngayon magsuntukan? Tignan lang natin kung makailag ka pa pag-itong kapit ko na ang gagamitin kong panuntok.”
Nakangisi niyang tinaas ang nasa kamay. Natandaan ko siya, siya yung isa sa mga lalaki kanina na bumastos doon sa isang babae sa bilihan! Ang tatag niya ah. Hindi siya nakakalimot. Ayan tuloy ang malas ko rin. Dapat kasi hindi ko na lang sila binangga.
“Pwede naman sa kamao sa kamo, bakit kailangan pa nan?”
Mukhang hindi marunong makisabay sa isip ko ang bunganga ko at inuna ang yabang. Kahit kailan talaga, salungat sa takot ko lahi ang ginagawa ko! Talagang gulo ang mahahanap ko nito!
“Naku wala nang ganyan. Kanina lang iyun, hindi na pwede ngayon. Kamao ay para lang sa simula.”
“Hindi ah, para sa mga tunay na lalaki iyun.”
“Talaga?” bumababa pa ang nagdidilim nitong tingin sa akin, kasabay rin nun ang mas pag-itim ng aura niya. Tumigas ang panga nito, malinaw na hindi siya natutuwa. “Edi humanap ka rin ng armas mo. Nasaan ba? Bakit hindi mo hugutin?!”
Naalala ko, sa hangin nga pala sila humugot ng mga espada kanina. Kanina hindi ako sigurado tungkol doon, at akala ko mga may dala talaga sila at hindi ko lang napansin, pero dahil sa mga apoy at mga lumilipad na tao——sa tingin ko, hinuhugot na nila ngayon ang armas nila sa hangin. Posible na iyun. Malaki na ngayon ang kaposiblehan ng bagay. Wala nang limitasyon, lahat ay pwede na! Ibigsabihin rin, hindi ako hahayaang tumakbo nitong lalaki. Yari talaga ako!
“Anong niyayabang mo?! Bakit hindi mo hugutin?! Nasaan na ang kakayanan mo?!” sigaw niyang ani.
Paano ko sasabihing tao lamang ako?!! Wala akong armas o ano! Tsk’, akala ata nito katulad nila ako, bwisit!
“Magagalit ka lang dyan ng magagalit, dahil wala akong huhugutin. May prinsipyo ako sa buhay, at iyun ay kamao sa kamao, walang kahit anong bagay.” papanindigan ko na! Kung kamao ko lang ang pwede kong gamitin para magkameron ako ng pag-sasang manalo laban sa kanya, paninindigan ko na! Wala na akong iba pang pamimilian, wala na akong iba pang kayang gawin para ipagtanggol ang sarili ko!
“At paano kung ganito ang gagawin ko?” sabay tinutok niya sa akin ang dulo ng nasa kamay niya. May kabang bumisita sa buong sistema ko ngunit nilaban kong ipakita iyun. Ngumisi ito. “Ano ang gagawin mo? Lalaban ka ba? Papanindigan mo pa yang prinsipyo mo?”
Bakit ba sinali ko pa yang prinsipiyong yan? Mas yumabang lang ‘tong isang to lalo eh. Tsk’, akala ata ay makaka-isa sa akin. Siguro kung may kailangan man akong malaman sa kanila, yun ay ang malaki nilang pagpapahalaga nila sa dignidad at mga pananaw nila sa buhay. Halatang ginanahan ang mokong. Pakiramdam niya ata mananalo na siya sa akin sa oras na hindi ko ginamit ang prinsipiyo ko. Edi kung ganun, pwede ko siyang linlangin.
Prinsipiyo? Sa mga katulad ko hindi pagganti ang una sa mga prinsipiyo ko.
“Talaga? Hinahamon mo ako sa ganyang duwelo? Sige, pwede kitang pagbigyan.” gamit ng bagsak na mata, tinuro ko ang espada niya. “Dyan ka magaling diba? Eh paano ngayon kung magpalit tayo? Ano, gusto mo ba iyun?”
Kahit nakakunot ang noo ay ngumisi pa rin ito. “Kakalimutan mo ang prinsipiyo mo?”
“Hindi ko papanindigan ang prinsipiyo ko, pero lalabanan mo ako ng lalaki sa lalaki.”
“Hahaha, sige. Lalabanan kita kahit saang paraan mo pa plano.”
Mabuti kung ganun. Pabor to para sa akin.
“Lalaki sa lalaki, okay? Pumayag ka na. Akin na yang espada ko. Ako ang gagamit, at ikaw ang magkakamao. Magpapalit tayo para patas. Okay ba yan sayo? Lalaki sa lalaki, wala ka namang problema, diba?”
“Wala, wala. Eto oh.” deretsyo niyang inabot sa akin ang kapitan ng espada. Nagsipalak-pakan ang lahat ng mga ngumisinging anghel na bumubuo ng katauhan ko. Hindi ko akalaing napaka-suwerte ko pala para makatanggap ng ganitong kabutihan.
Grabe, ang bilis niyang bumayag! Hindi ko inaakalang ganito kabilis siyang isahan! Hahahaha, di ko mapigilang tumawa sa pinaka-loob ko. Nanginginig tuloy ang itaas ng labi ko.
“Sigurado ka? Ibibigay mo to sa akin?”
“Oo, para lalaki sa lalaki. Para patas.” pero sa pagkakatingala niya, parang may iba pa ata siyang plano. Bigla akong nangamba, niloloko niya ata ako. Iba yung pagkakabanggit niya ng ‘lalaki sa lalaki’ at tsaka ng ‘patas’, parang hindi eh. Parang naglolokohan kami pareho.
“Si-sige.” kahit ganun ay tinanggap ko pa rin ang espada. Sa tingin ko kung may kapit ako nito, laban sa may mga may kakaibang kakayanan, medyo may laban ako. Pero ano nga ba ang nasa isip ko?! Hindi ako marunong gumamit nito!!!!
“Simulan na natin.” kinuyom niya ang dalawa niyang kamao. Tumayo ito na handang handa na, katulad na katulad nung kanina niyang porma sa ina naming sagupa kanina. May bago sa kanya ngayon na kakaiba.
“Oft!” umiling ako sa biglang pag-atake niya. Parehong bilis at parehong galaw ang atake niya, katulad rin kanina. Kitang kita ko pa rin ang bawat galaw niya. Plano kong hangga’t di pa nagbabago ang atake niya o wala pa siyang ibang balak gawin at hugutin, di ko muna gagamitin ang espada. Mananatili itong nakatutok sa lupa. Yun nga lang wag siyang manggugulat, baka magamit ko bigla. Wag naman sana. Ayaw ko pang magkasala.
“Lalaki sa lalaki. Gamitin mo yang espada ko, para patas tayo.” at sumugod pa siya ng marami. Wala sana akong balak banggitin pa, pero walang bago sa galaw niya. Ang dali pa rin iwasan ng mga pagsuntok niya. Ang hindi ko maintindihan ay yung pagngiti niya na parang ang saya-saya niya na patas kami, pero wala naman akong nararamdamang ganun. Malinaw na hindi siya magaling sa suntukan, pero bakit parang ang sa tingin niya ay mas nakaka-angat siya sa akin ngayon sa labanang ito? Yun ngang sa totoo, kung normal siya na tao, masasabi kong mas malaki ang pursyento kong manalo ngayon.
“Oft! Oft!” umilag pa ako ng umilag sa mga suntok niya, kahit anong abang ko, wala siyang pagbabago. Edi ibigsabihin nun, talagang naniwala siya sa akin? Nauto ko siya ng ganung kadali?
Ano ba, mas panalo ba siya dahil nawala ang prinsipiyo ko? Naniwala siya doon? O baka naman may tinalaman iyun sa dignidad ng p*********i at sa pagiging patas? Ewan ko, ang gulo. Hindi ko malaman-laman kung ano ang paniniwala ng mundo nila.
“Aba, nang mamaliit ka ba?! Bakit hindi ka na atake?! Anong sa tingin ganun ka kalakas?!” gigil siyang sumugod ng may malakas na puwersa, dinig sa hangin ang bawat suntok nito.
“Hi-hindi naman sa ganun!”
“Palusot ka pa! Bakit hindi ka lumaban?!”
“Mawawalan ako ng prinsipiyo!” pagdadahilan ko, pero tama iyun. Dahil kung nauto ko nga siya, hindi pa rin ako lumaban ng patas. Sa tingin ko kasi pumayag siya sa rasong iyun. Maaaring naisahan ko nga siya at naloko, pero bakit nakakakonsyensya?!
Pakiramdam ko sa maling paraan pa rin ako lumaban!
Mabuti sana kung masama siyang tao, yung mga tipo na walang patawad at talagang mga sakim, pero yung ganito? Parang hindi ko ata kaya. Mukha siyang nagsusubok na matutong bata—hindi sa mapang lait na paraan pero sinusubukan niya dahil iyun ang sa tingin niyang tama. Oh, paano ako hindi makakaramdam ng konsensya nan? Parang akong gobernador na mapagsamantala sa mga mahihina.
Buti pa siya may sinusundang tama, eh ako? Ano ang tama sa akin kung gagamitin ko ang espada niya laban sa kanya?
“Ano?!!! Bakit hindi ka pa rin lumalaban?!!!!” buong sigaw nito. Mas nangibabaw sa kaniya ang galit. Ramdam kong pati ang ibang mga kawal ay napatigil rin upang tignan ang gawi namin. Gayun pa man, hindi sila lumapit.
“Huminahon ka! Sa tingin ko may iba pang paraan!”
Kung naniwala siya sa akin kanina, nagbabakasakali akong baka makinig siya na tapusin to sa maayos na usapan. Kasi kung pwede namang gawin iyun, bakit hindi?
Bumalik ang ngisi sa mga labi niya. “Oo, may iba pa ngang paraan. Iisa na lang iyun.”
Tinapat niya ang kamay niya sa mukha ko. Wala akong ideya kung paraan iyun, pero base sa nakita ko kanina, baka may iba pa siyang kakayanan. Baka—-baka may hindi ordinaryo siyang gawin sa akin.
“Ah?” nawala ang hangin sa katawan ko sa pag-iintay sa mangyayari sa akin.
“Maghanda ka na.” dagdag pa na babala nito.
Pinagmasdan ko kung paano umilaw ang kamay niya. Sobra akong nasilaw ngunit di ko man nagawang pumikit.
“Wag!”
May humarang na isang bulto ng tao sa unahan ko. May bumalot sa aking malamig na hangin at umikot sa buo kong paligid.
“Hindi ka dapat tumitigil ng ganun lang!” sigaw ng isang babae, nabosesan kong si Morha pala iyun. Sa isang iglap, nakakawit ang kamay niya sa may braso ko, kinakaladkad niya ulit ako papatakbo.
“Teka, anong nagyari? Bakit naandito ka?” naguguluhan ako, nasaan yung lalaking kaharap ko kanina?!
“Wag ka nang magtanong! Nasa likod lang sila, hinahabol tayo! Kasalanan mo kung bakit hindi ko natapos ang kailangan kong gawin at bakit kailangan natin ngayong tumakbo!” hindi niya nalingon na saad. “Bakit kasi hindi ka nakinig?! Ang sabi ko diba, doon ka lang?! Magtago ka lang!”
“Oo nga! Nagtago naman ako pero nakita nila ako!”
“Tsk’, wala na tayong chansya! Hindi na natin sila matatakbuhan! Maghanda ka na!”
“Maghanda para saan?!”
Maghanda para sa kamatayan?! Yun ba ang ibigsabihin niya?!
“Maghanda para tumalon!”
“Tumalon?” sinundan ko ng tingin ang ibigsabihin niya. Papatakbo kami ngayon papalabas ng kagubatan, papunta sa tuwid na patag. Sa tingin ko meron na akong ideya kung saan kami tatalon. “Gusto mo bang mamatay?! Bakit ang bilis-bilis mo?! Bangin na yan oh!!!”
May bangin sa harap namin. Oo, nasa mataas na lugar pala kami! Ang babagsakan namin ay mga tuyong kalupaan, at may hindi ko alam kung saan kami babagsak!
“Oi! Saan tayo dyan?!” hinatak ko na ang kamay ko pero hindi niya binibitawan iyun.
“Dyan! Deretsyo lang!”
“Deretsyo sa bangin?!”
Baliw ba siya?!
“Akong bahala sa atin! Tiwala ka lang!”
“Hindi! Hindi! Wala akong tiwala sa gagawin natin!”
“Suggh!”
“Suggh!”
“Suggh!”
Maraming palaso ang humabol sa amin.
“Wag kayong tumakbo! Huhulihin pa namin kayo!” nagmamadaling pahabol ng mga kawal sa likod.
“Wah!!! Ayaw ko na! Papatayin niyo ako lahat!” sigaw ko. Wala sa likod o katabi ko ang kaligtasan ko! Lalong lalo na sa harap ko! Nasaan ang pamimilian ko para mabuhay?!!
“Wag ka nang pumalag!” hinatak niya ako papalapit. Sa bilis ng pagtakbo namin, bigla siyang humarap sa unahan ko. Harap-harapan niya akong hinarap at kinapitan sa balikat, bagkus ay humiga papatalikod—-papunta sa kahulugan sa bangin!
“Ahhhhh!!!!!” sigaw ko. “Wag!!!”
Pumikit ako ng madiin. Wala akong ibang naramdaman sa katawan ko kundi lamig. Bukod dun ay ang paggulong ko pababa sa malubak na daan.
“Wag ka ngang sumigaw! Hindi ka masasaktan!” sigaw rin ni Morha sa mismong mukha ko. Naramdaman ko ang mainit niyang hininga. Ang ayos. Grabe and ayos. Sobrang babaeng babae.
“Pwede ba?! Wag ko akong patayin!”
“Imulat mo kasi ang mata mo para maintindihan mo! Hindi ka mamamatay! Mas mamatay ka kung sisigaw ka dyan at sisirain ang konsentrasyon ko!!!” inis niyang sigaw. At sa pangalawang beses, nabasa na naman ang mukha ko, dahil sa laway niya. Sarap maghilamos!
“Ayaw ko!!!”
“Imulat mo!!!”
Nakaramdam ako ng daliri sa mismong mga mata ko, masakit na binabatak niya ang talukap ko. At dahil sa medyo pumasok ang kunting parte ng daliri niya sa loob, nangailangan akong mumulat dahil sa sakit!
“Aray ko! Talagang papatayin ako ng tao dito!”
“Hindi nga kami tao! Liwblus kami!”
“Liwblus?! Liwblus, mga di kayo normal!” deretsyong tingin sa mata kong ani sa kanya. Nakita ako ang kabuoan ng mukha niya, pawisan siya ngunit mukha pa ring presko. Hindi siya dugyutin, mukha lang sadyang maraming ginawa. Kahit ganun ay mas kapansin-pansin pa rin ang mata niya, pagod iyun na nakatingin sa akin. Sa sobrang pagod ay kalhati lamang ang nakabukas. Wala na rin ang kanina niyang mataray na tingin. Mas mukha siyang babaeng nangangailangan ng tulong ngayon.
“Ano? Kalmado ka na?”
Naluluha kong napansin ang ibigsabihin niya—-ang nasa paligid namin. Naluluha hindi dahil sa ganda, kundi dahil pa rin sa hapdi ng mga maya ko. Dinakma ko ang mukha niya at ginilid, titig na titig kong di maalis ang tingin sa paligid. Nakalutang kami pababa, pababa sa bangin na kinatatakutan ko kanina. Ang angas nito pero.......”Nahihilo ako.”
May mga dahong umiikot sa amin at mag kasama iyung parang buong hangin na sa sobrang bilis ay pumoprotektasa amin na hindi kami dumikit sa mga bato. Matutulis at hindi pantay ang matarik na pinanggalingan namin, kitang kita ko ang bawat batong pwedeng magsanhi sa amin ng malalalang sugat kung hindi kami nasa loob nitong bilog na to. Ayos, oo, maganda, pero nakakahilo ang tanawin. Biruin yun, galing kamo sa tutoktok tapos parang nasa Ferris Wheel kami, mas mataas nga lang. Sobrang nakakalula.
“Hoy, ayan ka na naman! Umayos ka nga!” tinapik, hindi—sinampal niya ang magkabilang pisngi ko. “Kanina sa pagtakbo, tapos ngayon kahit dito?! Ang lampa mo naman!”
“Hindi ako lampa! Higit lang to sa kaya kong maranasan sa tunay na buhay!”
Bigla itong natigilan, at titig na titig na nawindang ata sa isang bagay. Hindi ko alam kung sa akin ba, pero baka sa likod ko at tagusan pala ang tingin niya. Imposible kasing tignan ako ng ganyan, hindi naman ako gwapo para pagkamanghaan.
“Anong tinitingin-tingin mo dyan? Hoy.” tinulak ko ng isang daliri ang noo niya.
“Naniniwala ka na sa akin? Tanggap mo na ang Liwblus?” sumilay ang ngiti at gana sa buong mukha niya. “Oo, ganun na nga! Hindi ka hindi pwedeng maniwala dahil nakita mo na! Tama ako diba?! Walang mga ganitong bagay sa mundo ng mga tao, ngayon ka lang nakakita ng mga katulad namin kaya naniniwala ka na, diba?!”
“Tigilan mo nga yan. Wag kang masyadong masaya. May mga bagay pa rin akong hindi maintindihan, hindi pa rin malinaw ang lahat. Pero tama ka, kakaiba nga kayo sa mga katulad naming mga tao. Wala kaming mga super-duper powers na katulad ng sa inyo.”
“Ohhh, naniniwala ka na nga.” kuminang pa ang mata niya sa tuwa. Grabe, nakakatakot to. “Edi pwede ka na naming maging hari?!”
“Di ka ata nakikinig, ang sabi ko naniniwala ako sa nga na naiintindihan ko! Yung iba hindi ko pa alam, kasama doon ang tungkol sa hari-hari na yan! Tao lang ako no! Hindi lumilipad, hindi gumagawa ng ganitong mga dahon, wala! Wala kaming ganun! Tiga-linis lang kami ng kalat ninyo!”
“Ano bang sinasabi mo?! Mas importante ngayon ay ang pagtanggap mo sa mga Liwblus! Kung hindi ka pa naniniwalang hari ka, tadhana na ang bahal sayong magtalaga sa purpos mo dito sa mundo namin. Mag-ingay ka kang, darating din yun. Sa ngayon, kailangan nating magplano.”
“Plano? Para saan naman yan?”
“Plano para sabayan ang tadhana na tulungan kang mapapunta sa upuan mo sa iyong kaharian. Pero bago iyun, kailangan muna nating maghanda. Mas maraming kalaban ang dadating. Tsaka kailangan natin ng matutuluyan, pati na rin makahanap ng pagkain.” tumungo ito sa baba. Doon ko nakita na may isang maliit kaming bayan na papatunguhan. Maliit na hindi katulad sa mundo ng mga taong may mga matatataas na gusali o silip na lugar. Yung kanila may mga nipa na bahay, mga maliliit at may mga malalawak na pagitan. Kitang ko ang mga lilaw nila sa mga dalang gasera ng mga tao—este Liwblus sa baba. Papadilim na pala.
“May kakilala ka ba dyan? Bakit tayo dyan pupunta?”
“Wala, bago lamang ako sa paglalakbay. Wala pa akong kakilala, pero ito lang ang bayan na pwede nating pasukin, dahil hindi lahat ng siyudad at bayan ay pwedeng magpapasok. Ang iba sa kanila ay hindi mga tumatanggap ng bisita, masyado silang kontrolado ng sistema ng pakataran.”
“Pakataran na para saan?”
Seryoso niya akong tinignan. “Para protektahan ang bayan nila sa mga mananakop.”
Tumikom ang bibig ko. Eto siguro yung may kinalaman sa sinasabi niyang kailangang gawin ng hari, ang tanggalin sa kaguluhan ang bayan ng kaharian niya. Sa ngayon, ako ang sa tingin niyang may responsibilidad na umako at tumulong sa mga ta—Liwblus. Hindi ko naman alam gawin iyun. Wala akong masasabi sa kanilang kailangan, sapagkat hanggang ngayon ay hindi ako naniniwala sa propesiyang sinabi niya tungkol sa akin. Sa tingin ko nagkakamali pa rin siya. Pwede akong maniwala sa mundo ng Liwblus na to dahil sa mga nakita kong mga kakaibang hindi ordinaryong mga bagay, pero yung mapaupo sa tungkulin ng hari na kailangan ng mga tao nila dito, hindi ako pwedeng umupo lang ng basta dahil pag-asa ng bayan nila ang nakasalalay. Tsaka tao ako, ano ang laban ko sa kanila?