D-DAY 6

641 Words
Nagising ako ng may naramdaman akong yumakap sakin. Pagmulat ko ay bumungad sakin ang natutulog na si Kyro, siniksik pa niya ang mukha niya sa leeg ko. Nakangiti ako,namiss ko ang ganito, yung gumising na katabi sya. Nabaling ang tingin ko sa orasan, mag-aalas otso na pala. Dahan-dahan kong tinanggal ang kamay nita na nakapulupot sa bewang ko ngunit mas lalo lang iyong humigpit. Sinubukan ko uli pero ganun pa rin. "What are you doing?" Napatigil ako sa pagtanggal sa kamay niya ng marinig ko ang paos niyang boses Bahagya niyang inilayo ang mukha nita sa leeg ko "Good morning Hon" Bati niya sakin "Good morning too Hon" Nakangiting bati ko sa kanya pabalik Nauna na'kong bumngon at bumaba sa kama "Bangon kana dyan" Aya ko sa kanya ng hindi pa siya bumangon "But I still want to cuddle" Aniya at naupo paharap sakin Natawa ako at pinitik ang ilong nya bago pumasok sa banyo. Paglabas ko ay wala na si Kyro sa loob ng kwarto ko. Nagbihis na ako at nag-ayos sa kwarto bago ko naisipang bumaba. Pagbaba ko sa hagdan ay sumalubong sakin ang isang pamilyar na amoy na ngayon ko lang uliy naamoy. Chicken curry! Pagpasok ko ng kusina ay natanaw ko ang nakatalikod na pigura ni Kyro na may suot-suot na apron. "Hmm bango nyan ah" Turan ko habang papalapit sa kanya Nakangiti naman syang humarap sakin "May talent fee ito" Nakangisi nyang sambit "Oh talaga? Magkano ba?" Sabay ko sa trip nya "Too bad, I don't need money" Aniya at nakangiti ng malapad "Ay! kaya ko ring magluto, naalala ko bigla" Sambit ko at mabilis na tumalikod pero nahuli niya agad ako at kinulong sa mga bisig nya. "Hey just kidding" Natatawang saad niya –FASTFORWARD– Nadito kami ngayon sa park. Umalis sandali si Kyro dahil may bibilhin daw sya. Napatingala ako sa kulay asul na kalangitan at mapait na ngumiti. Masaya ako dahil kahit sa konting panahon ay nagkaayos kami ni Kyro at gusto kong sulitin ang konting panahon na yun na kasama ko siya. Hindi ko namalayang tumutulo na naman pala ang mga luha ko. Mabilis ko itong pinunasan dahil baka makita ni Kyro, ayaw kong sirain ang araw na'to. Ayaw kong mag-alala sya. "Hi, are you Ms. Ceille Kamiro" Napatingin naman ako kay Kyro na malaapd ang ngiti kaya nginitian ko din sya "I don't talk to strangers" Nakangiti kong tugon sa kanya na ikinasimangot niyakaya natawa ako "A strawberry ice cream for you, Honey" Aniya at inabot sakin ang ice cream na dala nya "Thank you Hon!" Tuwang-tuwa kong usal at agad na kinuha ang ice cream "You really love that flavor, huh?" Aniya habang nakangiti sakin na kumakain "Yeah, so bad" Tugon ko at nilantakan ang ice cream ——— Gabi na at nandito pa rin kami ni Kyro sa park. Ilang minuto pa ang lumipas ng biglang magsiputukan ang fireworks na may iba't-ibang colors at shapes. "Sobrang ganda" Naiusal ko habang si Kyro naman ay nakayakap sakin mula sa likuran at nakatingin din sa fireworks "Time flies real fast and I badly want it to stop" Sambit niya at nagpakawala ng malalim na buntong-hininga I can clearly feel the sadness in his voice kaya hindi ko napigilang tumulo ang luha ko. Ako rin...gustong-gusto ko ring tumigil nalang ang oras. Gusto kong maging selfish kahit ngayon lang pero impossible yung mangyari. Impossible nang takasan pa ang tadhanang nakalaan para sakin. "I'm sorry..." Mga salitang lumabas sa bibig ko Ramdam ko ang paghigpit ng yakap niya at panlalamig ng balikat ko. Pansin ko rin ang pagyugyog ng mga balikat nya. He's crying silently na mas lalong nagpasama ng loob ko. I'm hurting him. Sobrang sakit isiping maiiwan ko siyang ganito. "Let's go home" Malalim ang boses niya Marahan niyang hinawakan ang kamay ko at inakay papunta sa kotse para umuwi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD