D-DAY 5

867 Words
CEILLE'S POV Naalimpungatan ako dahil sa sakit ng dibdib ko, tiningnan ko ang orasan at nakitang alas syete pasado na mg umaga. Hindi na muna ako naligo at bumaba na sa kusina. Nakauwi ba si Kyro kagabi? Well, nag-aalala pa rin naman ako sa kanya. Uminom ako ng tubig at pumunta sa sala. Nanuod ako ng tv sandali bago naisipang umakyat sa kwarto ko para maligo. Nasa kama ako ngayon nakaupo dahil kakatapos ko lang maligo ng kumirot na naman ang puso ko kaya napahawak ako sa dibdib. Sandali ko itong pinakiramdamanbbaka sakaling mawala pa pero lalo lang itong tumindi. Agad kong kinapa ang gamot ko sa bulsa ko pero wala kaya agad kong hinanap sa damit na hinubad ko kanina pero wala rin. Hinalughog ko na ang mga drawer ko pero wala! Teka...huli kong uminom ng nakaraan ay sa kusina, mabilis akong bumaba habang sapo-sapo ang dibdib ko na sobrang sakit at kinakapos na rin sa paghinga. "Nasan kana ba?.." Usal ko at tiningnan ang basurahan pero wala din "Ahh! bakit ba... nangyayari s-sakin 'to!" Sigaw ko ng humihikbi at muling tumayo at naghanap Sobrang higpit na ng hawak ko sa dibdib ko na parang gusto ko na itong durugin sa sobrang sakit. "Nasan na ba kase...—Are you looking for this?" Napatigil ako ng may magsalita sa likuran ko Pagharap ko at nakita ko si Kyro na nakatayo sa pinto ng kusina. "Kyro..." Usal ko at napatingin sa kamay niya na hawak ang gamot na kanina ko pa hinahanap Paanong nasa kanya 'yan? Muli akong napatingin sa walang emosyon niyang mga mata. Pumatak na naman ang luga ko dahil sa sakit. Dali-dali akong pumunta sa kinatatayuan nita at muntikan pa akong matumba. Hinablot ko iyon sa kamay niya at agad na kumuha ng dalawang tableta at nilagay sa bibig ko at nilunok kahit walang tubig. Umatras ako ng ilang hakbang mula sa kanya at pinakiramdaman ang sarili, ilang minuto din bago nawala ang sakit. Napatingin ako sa kinatatayuan ni Kyro at nakitang nandon pa rin sya. Paano napunta sa kanya ang gamot ko? Siguradong alam niya na pero bakit hindi sya nagsasalita? Wala na ba talaga siyang pakialam sakin? Tiningnan ko ang lagayan ng gamot ko. Nanubig ang mga mata ko kaya pilit kong kinakagat ang ibabang labi ko. Dahan-dahan ko itong binuhos sa palad ko at unti-unting lumabas ang mga laman nun. Ang kaninang dahan-dahan ay naging agresibo hanggang sa nalaglag na ang mga ito hanggang sa hindi ko na napigilan ang sarili ko at pinagtatapon ito sa kung saan. "Ahh!!! sawa na ako! sawang sawa na ako!!" Sigaw ko out of frustration at sinabunutan ang sarili "Ceille—dyan ka lang!..was kang lalapit!" Sigaw ko sa kanya ng sinubukan niyang lumapit Para saan pa? Umiiyak kong siniksik ang sarili ko sa pader habang sinabunutan ang sarili. Nababaliw na ako... "Bakit? Ano bang nagawa ko...para pahirapan ako ng ganito?! Wala naman akong inagrabyadong tao pero bakit...bakit nangyayari sakin to!! Hirap na hirap na'ko! pagod na pagod na'ko!! kung mamamatay lang din naman ako bakit sa ganitong paraan pa?! bakit?!.." Sigaw ko upang ilabas ang sama ng loob hanggang sa nanghina ako at tuluyan ng dumilim ang paningin. Nagising ako ng makaramdam akong may gumagalaw sa tabi ko. Pagmulat ko ay bumungad sakin si Kyro na nakaupo sa gilid ng kama. Hindi gaya ng dati, ang mga tingin niya ngayon ay ibang-iba ngunit hindi ko maintindihan kung ano yun. Bumangon ako at naupo ng maayos at sumandal sa headboard ng kama. "Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko "Why didn't you tell me?" Tanong niya pabalik sakin "Tungkol saan? Na may sakit ako? Na mamamatay na ako? Bakit naman? Pagsinabi ko sayo may magbabago ba?" Sambit ko habang diretso lang ang tingin dahilan para matahimik siya "I'm sorry..." Mahinang sambit nya ng nakayuko "I'm such a j*rk, I'm sorry I don't know that you've been enduring it alone all this time and I haven't done anything to help you... sorry" Litanya nya habang unti-unting tumutulo ang luha Yes, I am mad at him but seeing him like this makes my heart ache, hindi ako sanay na makita siyang ganito. Hinawakan ko ang pisngi nya at pinahid ang luha niya. "No...wala ka namang kasalanan eh, hindi mo naman kasalanan na magkaganito ako" Ani ko pero umiling sya "While you were going through such pain, I've been blind and ignore you, I even forgot to ask you if you're fine and even accused you of something you did not do, it's all my fault...hate me, hurt me please just... forgive me" Umiiyak niyang pagsusumamo. Ang mga kamay niya ay nakahawak din sa mga kamay kong nakahawak sa pisngi niya. "Please don't be like that, nasasaktan ako pagnakikita kang ganyan, don't blame yourself please..." Pakiusap ko sa kanya na naiiyak na rin Pinahid niya ang mga luha niya at inabot ang pisngi ko at marahang hinaplos. Naupo siya sa tabi ko at yumakap sakin. "Babawi ako, pangako babawi ako sayo Hon..." Mahinang sambit niya at hinalikan ako sa noo Matagal ko rin bago ko ulit narinig ng 'Hon'. Nakangiti ako, sana hindi panaginip to...sana palagi nalang ganito. Sana naman masulit ko ang konting panahong natitira na meron ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD