"Kumusta na kayo ni Ate Dei?" I'm calling her ate because why not? She's old enough to be called like that. Chariot! Bakit masama bang gumalang?
We're currently at their sala. Bukas ang telebisyon ngunit wala namang nanunuod.
"We're good" aniya, bahagya akong nagkaroon ng hiya sa sarili dahil halata namang hindi siya interesadong kausapin ako. Sa tuwing magtatanong ako ay palaging maikli ang sagot niya na parang ayaw na niya akong makausap pa. Agad ko rin namang nilunok ang kung ano mang nakaharang sa lalamunan ko at isinantabi ang hindi magandang pakiramdam na iyon.
Walang mangyayari kung mahihiya ako. Sinubukan kong mas lumapit sa kanya. Ang totoo ay magkatapat ang sofa na inuupuan namin kung kaya't kinailangan ko pang tumayo papunta sa mas malapit sa kanya at mas piniling umupo sa carpeted na sahig.
We were used to be this close, bakit ako mahihiya?
Nakapangalumbaba ko siyang tiningnan. People loves to talk about the things they like or the person important to them. There's no way I can catch up when the topic is Engineering and I don't feel like talking about Trenz right now so maybe we can make a bond when the topic is all about ate Dei right?
"Tell me more about her. I'm curious about ate Dei and how you two end up together" siguro sa paningin niya ngayon ay isa akong bata na excited makarinig ng love story mula sa isang fairy tale but what else can I do? I want him to be close to me.
"So you're interested in someone else's love story now huh?" the moment he smile, I knew it was suicide.
"It's not someone else, it's yours and ate Dei" paliwanag ko.
Matapos marinig iyon ay parang bata rin siyang umupo sa sahig at ginaya ang pwesto ko. He doesn't look tense now unlike kanina na iwas na iwas siya sa akin.
"Schoolmates kami. I don't actually likes her at first. She's hardheaded, easy going and too frank but..."
And the suicide began.
........
"HAHAHAHA ganito yun dapat at hindi ganyan" aniya at ipinakita sa akin kung paano ikokontrol yung hero na ginagamit ko.
Kanina ko lang nalaman na naglalaro siya ng ML. Ang sabi niya ay pampalipas oras daw dahil nga nagpapahinga muna siya bago mag-apply ng trabaho. I'm not into online games pero sinusubukan kong aralin. Gladly, willing siyang turuan ako nang sabihin kong gusto kong matutunan kung paano laruin yung game. The hero I chose is Mia because I find her cute but when I told Bryant about my reason, he just laugh at me. Gayunpaman ay tinuruan niya pa rin ako.
"Sinasabi ko sayo kapag ito talaga natutuhan ko"
"O ano?" panghahamon niya, hindi manlang pinatapos yung banta ko. Kanina pa siya ngumingiti and it's giving me butterflies although I'm playing it cool. Sana hindi niya mahalata or kung mahalata niya man wala akong pakialam. It will make things easier for me.
Kanina pa nakatutok ang mata ko sa screen ng phone ko. I may look serious about the game pero sa gilid ng mga mata ko ay inoobserbahan ko siya. Ang dami naming pinagkwentuhan kanina hanggang sa mapunta nga kami sa online games. Hindi ko na rin alam kung anong oras na but who cares right? Damn, kung kinakailangang aralin ko lahat ng online games na nilalaro niya ay gagawin ko. Handa akong gawin yun mapalapit lang ulit ng ganito sa kanya.
"Ilag" bigla niyang sabi. Nabigla ako nang sabihin niya iyon at para bang ilang segundo akong hindi nakagalaw, natameme ako, hindi ko alam ang gagawin, nasa kanya kasi ang atensyon ko.
"Anubayan minion na nga lang mapapatay ka pa" reklamo niya pero hindi pa rin ako nakagalaw.
The moment he said ilag ay hinawakan niya rin ang phone ko para nga umiwas sa kung sino mang kalaban na sinasabi niya. Dahil nga hawak ko ang cellphone ko ay nagdikit ang kamay namin. Maaaring para sa kanya ay wala lang iyon pero malaki ang naging epekto niyon sa akin.
"Cute kasi yung minion" palusot ko na ikinangiwi niya. Totoo naman na nakukyutan ako sa minions pero kung ikukumpara ko yun sa kanya? Aba'y walang wala yung minions!
He's not cute, he's gorgeous.
"Cute nga pero kalaban mo 'yan kaya kailangan mo pa rin patayin" aniya at inagaw na sa'kin ang cellphone upang siya na ang magpatuloy maglaro nung game.
Bahagya ako umunat at inayos ang postura ng aking katawan sa pagkakaupo. Ang sakit na ng pwet ko.
"Can't handle it, I'm too kind for that" ani ko, punong-puno ng kumpyansa sa sarili.
Sino pa bang mag-aangat ng sarili ko diba? Malamang ako rin. Wala namang mangyayari kung puro insulto lang ang sasabihin ko sa aking sarili.
"Ah kind" dinig kong sabi niya na parang hindi naniniwala pero hindi ko muna pinansin. Tumingala ako at tinitigan ang pinakamataas na parte ng pader na nasa harap ko upang mag-isip.
Anong iisipin ko?
Ewan, hindi ko rin alam e.
"So you don't think that I'm kind?" sigurado akong maldita ako minsan ngunit kahit papaano naman ay naniniwala pa rin ako na ako'y mabait. Ani nga sa nabasa kong f*******: post "There is kindness in everyone"
"Pag-iisipan kong mabuti. Hindi pa ako sigurado e" diretso niyang sabi, hindi manlang pinag-isipan kung ma-ooffend ako sa kanya.
Hays. Pumasok tuloy sa isip ko si Trenz. Ganyan mga sagutan nun sa'kin e. Well, magkapatid sila kaya hindi na dapat ako magtaka kung may pagkakapareho sila ng ugali.
"Is it that hard for you to atleast give me a compliment?" ani ko na bahagya niyang tinawanan. Huwaw! Sana lahat happy. Gusto kong sumimangot. Kind na nga lang hinihiling ko na marinig sa mula sa kanya hindi pa niya masabi. Gaano kahirap sabihin na mabait ako? Dapat ba masipag nalang? But I don't actually consider myself na masipag. Tumutulong ako kay Mama pero yung saktong tulong lang like magsasampay ng nilabhan niya, magluto minsan kapag trip ko and any other things. Masipag na ba iyon? I don't think so.
"Well I find you funny"