Chapter 3

1377 Words
Balak ni Apple Joy magpunta sa Mall upang bumili ng kanyang susuoting Dress para sa Family Reunion nila mamayang Gabi Mataba siya kaya palagi siya naka-kulay Black Long-sleeves at Jeggings. Mahaba at Medyo Wavey ang kanyang buhok. Inaya niya si Mae upang samahan siya mag shopping Ngunit hindi daw ito makakasama dahil madami itong gagawing Cakes. Baker kasi si Mae at may sarili itong bakeshop Napabuntong hininga siya ng pag labas niya sa Mansion hinarang agad siya ng Mommy niya "Baby girl ko. Kiss mommy!" Napaikot ang kanyang mata sa ere dahil sa kanyang mommy, Ginagawa padin siyang bata nito. Niyakap siya ng kanyang mommy at nakipag beso beso pa sakanya "Ang Bango talaga ng baby girl ko.. Oh Saan ang punta mo?" "Mom stop calling me baby girl.. Dalaga na po ako" "Sinong dalaga? Baby girl hindi ka pa dalaga.. You're still our baby girl" Napalingon naman si Apple Joy dahil nasa likod niya ang kanyang daddy "Dad! Twenty two years old na po ako. Wag niyo na po akong tawaging baby girl" "Anak naman hayaan mo na kami ng Dad mo.. Hangat wala ka pang boyfriend na ipinapakilala samin.. Ikaw padin ang baby girl namin" "Anong boyfriend boyfriend honey? Bawal pa mag boyfriend tong baby girl ko" Sabi naman ng Daddy niya "Honey hayaan mo na. Alam ko naman hindi makikipag boyfriend ang anak natin e. Kaya she will be our Baby girl forever" "Mom Dad! Stop it na po. May .. May boyfriend nako" Napalunok siya dahil nabigla siya sa kanyang sinabi "What??!" Sabay pang nagulat ang mga ito "Y..Yes Mom.. Yes Dad.. I have a boyfriend kaya nga po ako umuwi dito sa Pilipinas upang makasama siya" "S..Sino itong boyfriend mo baby girl?" Halatang nalungkot ang Mommy niya "Mom it doesn't matter., Basta may boyfriend na po ako" "Tell me his name!" Galit galitan ang daddy niya. Alam niya naman never itong nagalit sakanya. Kahit nga nung College siya nagpakalbo siya ng buhok dahil dinonate niya sa Cancer patient hindi naman ito nagalit sakanya. "D..Dad hindi ko pa siya handang ipakilala sainyo.. Maybe next time" Palusot niya "Baby girl i'm warning you, No s*x! hangat hindi pa kayo kasal" Pareho silang naubo ng Daddy niya sa sinabi ng mommy niya "Mom! Ang layo naman po agad ng iniisip niyo. Ofcourse i will not do such thing.. Basta wag niyo na po ako gawing baby kasi dalaga nako" "No, Ikaw padin ang baby girl ko hangat hindi ko nakikilala ang boyfriend mo!" Niyakap siya ng mommy niya at pinang gigilalan nanaman nito ang bilbil niya Tawa lang ng tawa ang daddy niya "I will buy you ink from italy.. Be a good girl ha anak?" Napasimangot siya, Aalis ang mga ito at iiwanan siya sa kanilang Mansion. Kung kailan naman siya umuwi ng pilipinas ngayon pa aalis ang mga ito. Family Reunion nila mamayang gabi tapos bukas ng umaga aalis na ang mga ito papuntang italy. "Ilang buwan po ba kayo sa Italy ni Dad? Kung kailan nasa pilipinas ako kayo naman ang wala dito" "Anak babawi kami sayo.. 2 weeks lang naman ang business meeting namin don anak." "Fine Dad. Sige po alis nako. Bibili ako ng bagong dress. Hindi na po kasi magkasya sakin yung ibang dress ko" Napangiwi ang Mommy at Daddy niya "Anak mag diet kana kaya?" Suhesyon ng mommy niya. Ngumiti lang siya "Mommy Food is life po. Bye Guys" Napapa-iling na lang ang mommy at daddy niya "Ingat ka baby girl" Sumakay si Apple joy sa kanyang Pink Car. Mahilig siya sa Kulay Pink. Pagdating sa Ayala Mall pinark niya ang kanyang kotse sa Parking Lot. Pagbaba niya ng kanyang kotse natamaan niya ang Kotseng katabi ng kotse niya Hala!!!! Nagkaroon ng Crack ang kotse nito. Nakagasgas siya ng kotse! Tinignan niya yung kotse, Napamura siya dahil black Lamborgini ang kotse na nagasgasan niya. Panigurado malaki ang babayaran niya. Napakamot siya ng kanyang ulo. Shit kapag minamalas ka nga naman oh. Dahil mabait siyang tao hinintay niya ang may ari ng kotse. Babayaran nalang niya ang nagawa niyang gasgas. Hindi kasi siya makakatulog mamayang gabi kung tatakbuhan niya ang may ari ng kotse. Maya maya pa may Nakaputing Manong ang dumating at mukhang ito ang may ari ng kotse Pero bakit mukhang driver lang? Nakooo Bad girl ako, "Sir.." Tawag niya sa Manong na nakaputing Polo "Yes Ma'am?" tanong nito "S..Sir nagasgasan ko po kasi yung kotse niyo paglabas ko po kasi ng kotse ko hindi ako magkasya sa pinto kaya tumama sa kotse niyo. Babayaran ko nalang po ang purwisyo. Magkano po kaya?" Napakamot ito sa ulo, "Nako Ma'am hindi po akin ang kotse na to. Driver lang po ako. Siya po ang boss ko" Tinuro nito ang lalaking nasa likuran niya Napalingon agad siya sa itinuro nito Parang Nag slow motion naman ang paligid dahil hindi niya ineexpect na makikita niya muli ang GWAPONG LALAKI SA CINEMA NA NAGNAKAW NG FIRST KISS NIYA!!!! "Ikaw?!" Laking gulat niya ng makilala ang May ari ng Black Lamborgini Dug dug dug dug.. Ang bilis ng t***k ng kanyang puso "Nice to see you again Peppa" Ang lapad ng ngiti nito sakanya. Mas lalo itong gumagwapo kapag nakangiti ito. Parang bumukas ang Langit at nag awitan ang mga anghel sa sobrang kagwapuhang taglay nito Napalunok siya dahil nabigla siya sa sobrang ganda ng ngipin nito. Pantay pantay at ang puti puti. Pero Teka. Tinawag siya nitong Peppa?! ANO YUN PEPPA PIG?! "H..Hoy Ikaw nanaman?! A..Anong Peppa ka diyan!" Palagay niya umuusok na ang ilong niya sa inis "Anong ginawa mo sa kotse ko? Tsk tsk" Napapailing pa ito Kinabahan naman siya dahil naalala niya ang kanyang kasalanan sa kotse nito "K..Kasi pagbaba ko sa kotse ko.. Ano.. Ano.." "Boss pag baba niya daw sa kotse niya hindi siya magkasya palabas siguro dahil malaki siya tapos naitulak niya ang pinto ng kotse niya at tumama sa kotse mo Boss kaya may gasgas" Singit ng Driver nito Napakagat labi naman siya, Gusto niyang karatehin ang Driver nito dahil sinabi pa talaga nitong Malaki siya Grrrrrr Napangiti naman si Trevor at halatang pinipigilan lang matawa BWISIT GRRRRRR GWAPO NGA MAPANG ASAR NAMAN!!! Lumapit ito sa kotse nito at tinignan ang Gasgas "Alam mo bang Favorite Car ko to?" Napa-atras si Apple Joy dahil halos Konti nalang ang pagitan ng katawan nilang dalawa ni Trevor "So M..Magkano?" Yun lang nasabi niya at hindi siya makatingin sa gwapong mukha nito. Ngayon lang kasi siya nakakilala ng ganito kagwapong lalaki buong buhay niya. Tapos Gray pa yung Mata nito sa malapitan kaya nanginginig tuloy ang tuhod niya. "Hindi nababayaran ng pera ang kapalit nito" Pilyo itong nakangiti "Huh? E paano ko mababayaran yan? Pera lang ang meron ako." Nakangiti lang ito habang nakatitig sakanyang mukha. Kaya naman Namula ang pisngi niya. "You look prettier when you blushed" Nag half smile ito Umurong ang dila niya sa sinabi nito. Lalong bumilis ang t***k ng kanyang puso. "Para mabayaran mo ako. Bigyan mo ako ng tatlong wish.." Napakunot ang kanyang nuo sa sinabi nito. Ano daw?????? "A..Ano?? Anong pinagsasasabi mo?" "Kapalit ng tatlong gasgas.. Tatlong wish.. Madali lang diba?" "N..Nababaliw kana ba?" "You think so?" tanong nito habang nakangiti "O..Oo sino ba naman matinong tao ang makakapag isip ng gusto mo? Anong wish ba kapalit ng mga gasgas? para maibigay ko na sayo" "So pumapayag ka sa tatlong wish ko?" "O..Oo wala naman akong magagawa kundi sumakay sa trip mo" Inirapan niya ito "My first wish.. Be my Friend" "A..Ano?! Girlfriend?! Ano ka hilo? Kahit ganito ako kataba hindi ako easy to get! Hindi pa nga kita kilala eh! Hindi ko nga alam saan lupalop ka nang galing. Alam kong gwapo ka pero hindi kita type no!" Natawa ito sa mahaba niyang sinabi "I said, be my friend.. Not Girl friend. Assuming something?" Napakunot ang nuo niya Kinahiya niya ang kanyang sarili sa sobrang Assuming niya "A..Akala ko kasi Girl friend eh!" "Well suggestion ba yan or what?" Pang aasar pa nito sakanya "Fine! Yun lang pala eh! Sige magkaibigan na tayo simula ngayon" "Alright.. Accept my friend request" Kumindat ito bago ito pumasok sa loob ng kotse nito at sinabihan ang driver na aalis na Napatulala lang si Apple Joy dahil sa nangyari... GRRRR BAKIT FRIEND LANG???!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD