“ANAK, kayo ba ni Chad ay may plano nang magsama? O magpakasal?” tanong ng ama sa kabilang linya. Natawa si Laya ng malakas. Mula sa opisina ay sabay silang bumaba ng binata. They used his car instead, kinuha lang niya ang mga gamit sa kotse pagkatapos ay nag-take out lang sila ng pagkain bago dumiretso ng uwi sa bahay nito. Nang matapos kumain ng gabihan ay saka niya tinawagan ang kanyang ama para magpaalam na doon sa bahay ng binata magpapalipas ng gabi. “Well, sa Switzerland pa lang napag-uusapan na namin ‘yan. Why? If ever, is it okay with you if I move in with him?” Naalala tuloy niya ang napag-usapan nila ni Chad noong nasa Switzerland pa sila. Nang yayain siya nito na magsama na sila pag-uwi nila pareho ng Pilipinas. Narinig ni Laya na b

