“HAVE you thought about it?” tanong ng nakakatandang kapatid sa kanya. “Kuya Migs, alam mo na—” Bumuntong hininga ito saka sumandal sa swivel chair. “Look, Laya. Kapag umalis kami ni Anne para mag-honeymoon, wala akong ibang aasahan na maupong OIC ng kompanya maliban sa’yo. I don’t want to trust this company to anyone else. This is a family business.” Sa pagkakataon iyon ay siya naman ang humugot ng malalim na hininga. Gusto niyang pagbigyan ito. But going home means going back to her past, her nightmare. “But Kuya…” “What are you afraid of? This is hotel is our second home. Nobody will harm you here.” “I know. It’s just that, hindi ko alam kung handa na akong humarap sa ibang tao. Pagkatapos ng mga nangyari, na

