IT HAS been five months since Chad started working as the Food and Beverage Director of Hotel Santillan. Nang umuwi siya mula sa Switzerland, doon agad siya nagtrabaho. Bumalik siya ng Pilipinas nang hindi sinasabi kay Laya ang totoong lagay ng kabuhayan niya. Bukod kay Laya, malapit na kaibigan din niya ang mga kapatid nito. Hindi niya alam eksakto kung paano nangyaring nalaman ng mga tao na kapatid niya sa ina si Jim Dela Torre. Pero simula nang pumutok ang balitang iyon, nawalan ng customer ang mga bar niya hanggang sa nalugi iyon at napilitan siyang isarado ang dalawa sa apat na branches niya. Nang malaman ni Himig ang nangyari, nag-offer ito na tutulungan siya pinansyal para makabangon. But he has so much pride in him, hindi niya kayang tanggapin ang perang gustong ibigay

