“HERZLICHEN dank,” sabi ni Laya, matapos ang session niya sa kanyang Psychiatrist, na ang ibig sabihin ay maraming salamat.
“Gern geschehen,” sagot nito na walang anuman ang ibig sabihin. “Your friend is right, Miss Santillan, you can try to slowly open up about what happened. It will help you towards acceptance. But you don’t have to push yourself too hard. When you feel like you’re ready, then, don’t hold back.”
Ngumiti si Laya sa kanyang Psychiatrist. “I’ll definitely think about it.”
Matapos ang tanghalian kanina ay doon na siya dumiretso, nasa labas ng Grindelwald Village ang clinic ng Psychiatrist niya. Kaya kanina nang pumasok siya ay kotse ang dala niya, pero kapag sa Lodging House lang siya pumupunta, madalas ay bike lang ang sinasakyan niya papasok. Masarap kasing maglakad o sumakay ng bisikleta kapag pababa ng mismong Village. Kitang-kita niya ang ganda ng kapaligiran at presko ang hangin.
“Have a great day,” sabi pa niya bago lumabas ng clinic.
Pasakay na siya ng kotse nang maalala ang email ni Hiraya. Agad niyang dinaial ang numero ng kapatid at tinawagan ito.
“Finally! Tumawag na rin ang kapatid ko!” agad na bungad nito sa kanya.
Marahan siyang natawa.
“Huwag mong iistorbuhin ang tauhan ko, Kuya!” sabi niya, na ang tinutukoy ay ang pag email nito kay Marites.
“Well, I did what I had to do, hindi ka sumasagot eh.”
“Busy lang ako kahapon dahil may pinuntahan akong kasal ng kaibigan ko dito.”
“Yeah, yeah, reasons!” pang-aasar ni Aya sa kanya.
“So, bakit ka nga nagpapatawag?”
“Come back home, b***h! I miss you!” sabad ni Lia, ang sumunod sa kanya sa kanilang quadruplets.
“No, you come here,” tatawa-tawang sagot niya.
“Seryoso girl, kelan mo balak umuwi? Naaagnas na ‘yung katawan ng hayop na iyon sa ilalim ng lupa. Wala ka nang dapat ikatakot,” walang prenong sabi ni Lia.
Imbes na ma-offend ay natawa siya.
“Baliw ka talaga,” aniya.
“But I’m dead serious, I want you to go home. We want you to go home,” Lia said.
She took a deep breath and stared at the Swiss Alps. “I know that all of you missed me. Ako rin naman. Pero isang dahilan kung bakit mas gusto kong manatili dito ay dahil napamahal na ako sa lugar na ito. This place is paradise and I want to stay here regardless of what happened to me.”
“Anak,” her Dad said.
“Daddy!” parang bata na tili niya.
“Kung gusto mo talagang manatili diyan, hindi kita pipigilan sa desisyon mo. Pero sana ay dumalaw ka naman dito.”
She sighed again. “Yes Dad, I promise I’ll visit. Kailangan ko lang po nang mapag-iiwanan sa Lodging House,” sabi niya.
“By the way, kumusta sila Ate Amihan? Si Yumi at Kuya Migs, nasaan?” tanong niya.
“Si Ate, ayun busy sa pagiging asawa’t ina. Malalaki na mga bata. Si Yumi, ewan ko doon, may baking seminar yata na pinuntahan sa Singapore sa makalawa pa ang uwi. Si Kuya Migs, as usual, either nasa Hotel o kapiling ng asawa niya,” kuwento ni Aya.
“Give my regards to them,” sagot niya.
“Laya,” wika ni Kuya niya.
“Hmm?”
“Are you okay now? Kumusta ang session mo sa Psychiatrist mo?”
Ngumiti siya. “Don’t worry about it, Kuya. I’m okay and I just came from my session. So, relax. Sabihin mo sa kanila, uuwi din ako kapag handa na ako. Alam ko naman naiintindihan ninyo ako.”
“Of course, we’re your family.”
“I have to go, magda-drive pa ako pauwi at dadaan pa ako sa grocery.”
“Okay, drive safely.”
“Thanks. I love you guys,” sabi pa niya.
“We love you too,” sagot ng kapatid.
Matapos ang pag-uusap nila ay agad siyang sumakay ng kotse. Bago tuluyan umalis ay muli siyang nakatanggap ng chat message mula kay Hiraya.
“By the way, I sent someone to keep your company,” sabi nito.
Napatitig si Malaya sa screen ng phone niya. “Someone?”
FROM her Psychiatrist, Laya went straight to the supermarket to buy some groceries. Simula nang mamalagi doon, natuto siyang magluto at mag-bake, salamat sa teknolohiya at nakakapag-video call sila ni Yumi. Ang kakambal niya ang matiyagang nagturo sa kanya. Ngayon ay kabisado na niya maging ang pagbe-bake ng tinapay. Masyado kasing mahal doon kapag kumain sa restaurant, kaya kinailangan niyang maging praktikal.
Bukod sa trabaho niya sa Santillan Lodging House, patuloy pa rin nagtatrabaho si Malaya sa Hotel Santillan. Her brother, Himig, the CEO of Hotel Santillan Group of Hotels & Resorts, allowed her to work thru video calls. Malaya is the COO or the Chief Operations Officers of the company. Kapag may General Meeting, ay nasa video call din siya. Kapag may mga kinalaman sa papeles, ini-email na lang ang mga ito sa kanya at doon siya nagtatrabaho sa bahay, minsan doon sa opisina niya sa Lodging House. Kailangan lang niyang i-adjust ang oras niya. And the lodging house is doing pretty well. Walong buwan pa lang simula nang magbukas sila pero kahit kailan ay hindi sila nawalan ng guests. Sa ganoon paraan siya kumikita para masuportahan ang pamumuhay niya doon sa Switzerland.
Laya bought fresh vegetables and fruits, she also bought ingredients for the bread she’s planning to bake tomorrow. Katatapos lang niyang bayaran sa cashier ang lahat ng pinamili nang biglang mag-ring ang phone niya.
“Oh, Marites?” bungad niya pagsagot.
“Boss, nasaan ka na?”
“Dito sa supermarket, pauwi na sana. May problema ba diyan?” tanong niya.
“Wala naman, pero may bisita ka.”
“Bisita?” ulit niya saka kunot-noong napaisip.
May mga kakilala na siya doon pero hindi naman ganoon karami. At kung pupunta man ang mga ito, tiyak na sasabihin sa kanya ng advance.
“Sino daw? Swiss?” tanong ulit niya habang nilalagay sa compartment ang lahat ng pinamili niya.
“Nope, Pinoy. Kaibigan mo daw.”
“Sino?”
“Basta pumunta ka na dito, mukhang sa airport galing ‘to.”
“Sige,” mabilis na sagot niya.
Agad niyang sinarado ang compartment at mabilis na sumakay sa kotse at pinasibad iyon. Hindi naman kalayuan ang supermarket sa Lodging House. Halos isang minuto lang ay naroon na siya.
“Miss Altherr, Marites said someone is looking for me?” she asked the Receptionist.
“Yes, Ma’am. He’s waiting for you in your office.”
“Thank you,” she answered.
Dali siyang pumunta ng opisina. Pagbukas niya ng pinto ganoon na lang siya natigilan at napatitig sa kanyang naabutan. The man looked back at her and greet her with the warmest smile accompanied with longingness and affection.
“Chad?” she whispered.
“Hey, gorgeous, long time no see.”
Her tears fell and run to him. Sinalubong siya nito at kinulong sa mahigpit na yakap. Napapikit siya at humugot ng malalim na hininga. It’s been a while since she felt a warm hug like that. Laya never knew she needed someone to hold her until Chad came. Kung ano man ang pakay nito, saka na niya aalamin dahil ang mahalaga ay may kaibigan siya na sa wakas ay makakasama niya.