NAABUTAN niya itong sinasarado ang laptop. “Oh, tapos na agad ang meeting n’yo?” tanong ni Chad. Imbes na sumagot ay tumayo at sinalubong siya ng yakap pagkatapos ay masuyo siyang hinalikan nito. Agad tinablan ng init ang binata. He wants more than just a kiss. Saglit lang ang halik na iyon pagkatapos ay binalikan ni Laya ang mga gamit. Naupo ulit siya sa tapat ng study table niya at niligpit ang mga papeles nito. “Oo, sandali lang naman ‘yon. May pinag-usapan lang kami tungkol sa sales ng Lodging House. Kinailangan na rin ibaba ni Marites dahil may iba pa siyang appointment.” Nilapitan niya ito at tumayo sa likuran nito. Pagkatapos ay marahan minasahe ang balikat nito. “May gagawin ka pa?” “Wala na.”

