PARANG isang panaginip. Hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin makapaniwala si Chad. He made love with Laya. Nang pumunta siya doon sa Switzerland, ang tanging gusto niya ay maalagaan ito. Ang ibalik ang dating Laya na kilala niya. Masayahin. Maraming kaibigan. Outgoing. Puno ng buhay. Pero kalakip niyon ay ang kagustuhan niyang makuha ang puso nito. To tell her what he feels and he did. Noong una, ang akala niya ay walang mapupuntahan ang kanyang pag-amin, pero binigyan siya nito ng pag-asa kagabi. At ngayon may nangyari na sa kanila, binigyan siya lalo ng dahilan ni Laya para hindi umalis sa tabi nito. Nang tumingin siya sa relo, alas-diyes na ng umaga. It’s Saturday. Isa sa napag-alaman niya na doon sa Switzerland, limang araw sa isang linggo la

