5 MONTHS LATER… Isang masayang ngiti ang sinalubong ni Laya paglabas niya ng Arrival Area. She saw two faces the same as hers, and basically a male version of them. It’s her twin sisters, Mahalia and Musika together with their older brother, Hiraya. “OMG! You’re really home!” malakas na tili ni Lia. Nang makalapit ang mga ito ay halos tumalon ang dalawang kakambal niya sa tuwa. Matapos iyon ay niyakap naman siya ng Kuya niya. “Welcome home,” nakangiting sabi nito. “Thank you, Kuya. Salamat din at hinayaan mo akong mag-extend ng five months doon.” Marahan itong natawa. “Pasalamat ka malakas ka sa akin at napakiusapan ko si Daddy.” “So, are you back for good?” tanong ni Ikah. Nagkibit-bal

