“HAPPY Birthday, Dad.” Niyakap ng mahigpit ni Laya ang ama matapos hipan ang kandila sa cake nito. “Thank you, anak.” Lumapad ang ngiti nito nang makita ang regalo nilang customized golf club. Niyakap pa nito si Chad nang kunin nito iyon. “Thanks everyone,” sabi nito at pinasadahan ng tingin ang regalo nilang magkakapatid. “Kahit wala itong mga regalo na ito. Mas nagpapasalamat ako dahil kumpleto kayong magkakapatid at ligtas, sapat na sa akin iyon. I just wish your Mommy is here.” Napalingon siyang muli sa ama nang hawakan nito ang kamay niya. “Mas higit akong nagpapasalamat dahil kasama natin ang kapatid n’yo. Sa kabila ng nangyari, nandito pa rin siya.” Maluha-luhang yumakap si Laya sa ama.

