NATIGILAN si Chad nang pagbukas ng pinto ay bumungad sa kanya si Laya. She looks defeated. Halata sa mga mata nito na galing ito sa pag-iyak. Ngunit ang nakapagtataka, kahit ganoon ang itsura ay may kay gaan ng bakas ng mukha nito. Nang sumulyap siya sa wall clock, it’s already eight in the evening. “L-Laya, anong ginagawa mo dito? Gabi na.” Umagos ang luha sa mga mata nito. “I’m sorry,” garalgal ang tinig na sabi nito. Aaminin niya, labis siyang nasaktan sa mga sinabi nito kanina. Pakiramdam ni Chad ay nauwi sa wala ang maraming taon na naghintay siya. Mahal nga siya ng dalaga, pero hindi nito magawang kalimutan ang nakaraan. Dapat ay galit pa rin siya hanggang ngayon, pero nang makita niya ang maganda nitong mukha. The moment he he

