Xantre's Pov
natapos din ang mahabang araw, nandito na ako sa bahay.Ako na lang kasi mag-isa dito kasi namayapa na ang aking ina ang ama ko naman di ko alam kung saang impyerno na yon.
Nag-open nalang ako ng sss at baka malingaw pa ako.
Bigla naman tumunog ang notification ko sa friend request, In-add pala ako ng dalawang baliw. Bago kasi itong account ko, ang una kong account kasi ginagamitko yun sa trabaho ko. inaccept ko nalang sila at naglog out na.
nakakapagod mag-aral, unang araw palang nagdidiscuss na agad. Kung tutuusin di ko na kailangan mag-aral eh, kasi when I was 15, i was already graduate. nakakuha ako acceleration test when i was 10 at nakatungtong ako ng secondary sa isang pribadong paaralan sa korea at mukhang sinuwerte ulig ako I've been chosen to be one of the qualifier para sa construction test, at nakakuha ako ng award where in pwede na akong kumuha ng board exam for any course of what i want.
see? how lucky I am.
And now I am already engineer I am also an agent at sa sobrang lucky ko I was been promoted at pinagkalooban ako ng tatlong bansa ng isang identification card na pwede akong pumatay ng mga tao na sangkot sa mga illegal na gawain. Hindi din ako pwedeng makasuhan ng dali-dali.
Kung kakasuhan ako dapat ay may sapat kang ebidensya na ako ay talagang may kasalan o pumatay ng mga inosenteng tao.
Katulad din ako ni Jeisen, ang pinagkaiba lang namin ay, Jeisen is an gifted attorney while me, I am an engineer.
(jeisen is the main character sa The baddass manang po ang author po nun ay si myguardianangel)
Kailangan kong mag-aral kasi meron akong hinahanap na isang bagay matagal na namin hinahanap ni mama.
Ang bagay na'yun kasi ang hinahanap ng mga nakaitim na lalaki bago nila pinatay si mama.
Tinago iyon ng ama ko sa paaralan na pinapasukan ko ngayon.Iyon na langang natatanging mysteryo upang malaman ko ang lahat at para masagot na ang lahat ng katanungan ko sa aking isipan.
napakuyom na lang ako ng kamay.
tinignan ko ang orasan kung anong oras na, it's already 1:00 am.matutulog na ako.
------
Nandito na ako ngayon sa room, ikalawang subject namin na Humanity II ngayon. Di namin kasi ito na talakay kahapon kasi kada araw apat na subject lang ang dinidiscuss at sa susunod na araw naman ang apat.
Nakita ko naman si Fahra na papasok na sa pinto, late na 'to ah.
"tingnan mo ang bruhang fahra pinsan, nandyan na." sabi ni Veena sabay Kalabit sa akin.
"nakikita ko !!Di naman kasi ako bulag" gusto ko yan sabihin sa baliw na kumalabit sa akin.
" Yo Xantre, Hi Veena" kumakaway na salita nya sa aming dalawa ni veena. pangisi-ngisi pa.psh!!
"Anong ganap cyst?" tanong ni veena
"wala naman haahah" sagot sa kanya ni fahra.
close na ba sila? parang kahapon lang nagsasamaan pa 'to ng tingin.mga baliw nga naman.
umupo naman si fahra sa tabi
namin.
Di nagtagal dumating nadin ang teacher namin." Good morning class" sabi ng teacher namin sa sya ding adviser
namin.
"Good morning maam" bati naman ng mga classmate namin at saka tumayo at yumukong magalang, nakisabay nalang rin naman ako.
"ms. montes please close the door" utos naman nito sa kaklase namin at tumayo naman si ms. montes, taga ibang section yata ang ibang mga kaklase namin ngayon sa subject nato."ms. montes, isarado mo na ang pinto. Ano pa bang tinatayo-tayo mo dyan?" salita ng guro namin kayms. montes na syang nakatayo lang sa pinto at tulala na parang nakakita ng multo.
hayy nako!!
"Good morning maam, I'm sorry were late." may nagsalita galing sa labas ng pinto.
"oh yue kayo pala, hala pasok,pasok" pagpapasok naman ng guro namin sa kanila ni yue na kasama pa si sceven at Xylan.
---
Inarranged kami ng guro namin kung saan kami uupo. At sa di inaasahan ba naman katabi ko ba tong si sceven na kaibigan ng tukmol na Yue.
nagkaklase na ang guro namin dahil ako naman bored na bored na dahil alam ko na naman na ang mga tinuturo niya eh kasi nga tapos na akong mag-aral dati pa, pshh!!
kinuha ko na lang ang chocolate ko sa bag at kinain yun.
"bawal kumain dito sa room" biglang sabi ng katabi ko
"pake ko" sagot ko sa kanya
"siguradong papagalitan ka ni maam pagnakita niya" sabi niya ulit.
"pake ko" tipid kong sabi sa kanya.masyadong syang pakialamero.
"susumbong kita kay maam"-sceven
"pake ko" hahahaha!! nakakatawa ang itsura ng lalaking to, sigurado ako inis na inis to sa mga sagot ko sa kanya. buti nga sa kanya!! hmmp!!
susumbong pa daw niya ako, as if di ko 'to malulusutan. Lagi ko kaya tong ginagawa sa Japan.