"Akalain mo yun pinsan magkaklase tayo wushoo.." baliw na talaga tong babae nato.
Nandito na kami sa tapat ng room namin, magkaklase kasi kmi. Nakita niya kasi ang pangalan niya sa papel na nakapaskil dito sa tapat ng room.
Pumasok na ako sa loob at humanap ng silya.Nang makahanap na ako,umupo na agad ako sa bakanteng upuan sa tabi ng babae naparang natutulog yata. Nagising ko yata siya kasi umupo na siya ng maayos galing sa pagkakayuko.
"naku lagot tumabi siya kay Fahra"
"siguradong mahihiyawan siya, natutulog pa naman si Fahra"
"oo nga"
di ko na lang pinansin ang usapan ng tatlong babae sa unahan at binaling ng tingin itong nakaupo sa tabi.
"who the he--" naputol ang sasabihin niya ng bumaling sya sa akin dahilan para magkatinginan kami.
"Pwede maki-upo dito?" tanong ko sa kanya
"Xantre?" naka poker face lang akong tumitingin sa kanya.
"Pwede maki-upo dito?" may diin kong sabi ulit sa kanya.Naangiti naman ito.
"ah.. eh.. O-oo n-naman..oo naman" sagot naman nito na pilit labanan ang paguutal niya.
"himala di nagalit si Fahra"
"oo nga, sino kaya siya?"
di nako nalang pinansin ang bulungan ulit ang mga students dito sa room.
"Anong ginagawa mo dito Xantre?" pabulong na tanong sa akin nitong Fahra na pinag-uusapan kanina ng tatlong babae.
"Mag-aaral" tipid kong sagot sa kanya.
"Oo nga naman, ang bobo mo self." bulong nitong sabi sa sarili niya sabay pitik pa ng noo niya.
Nilibot ko naman ang tingin ko sa loob ng room at nakita ko naman ang baliw ko na pinsan na nakaupo sa kabilang row ng mga upuan katabi ng inuupuan ko.