YCW - 4

1834 Words
HINDI ko alam kung saan nila ako dadalhin. Wala akong kaalam-alam ganito pala ang magiging katapusan ng aking buhay. Hanggang dito na lang ba ang buhay ko sa mundong ibabaw na ito? Gusto ko pa makapagtapos ng pag-aaral. Gusto ko pa mag-asawa at higit sa lahat magkaroon ng sarili kong mga anak. “Master, dinala rin namin ang babae. Hindi mapaghiwalay ang kambal sa babaeng ito kaya sinama namin siya... Yes, Master, iyan ang itsura niya. Iyong sinend kong photo sa inyo. Yes, po! Hindi namin siya patatakasin.” Lalo akong namutla nang marinig ko ang boses ng Kenta na iyon. Dapat ba niya iparanig sa akin ang binabalak nilang gawin upang patayin ako. Sino naman niyong Master na tinutukoy niya? Iyon ba ang pinaka-boss nila! Hihintayin pa ba nila ang boss na iyon para lang patayin ako! Uuwi na lang naman na ako sa apartment na tinutuluyan ko at matutulog na, bakit ganito pa ang nangyari sa akin? Napatingin ako sa bintana ng lumiko ang sinasakyan naming kotse. Halos lumuwa ang aking mga mata nang makita ko ang bahay. Bahay ba nila ito? Sa kanila ito? Baka namamalikmata lang ako sa aking nakikita. Kinusot ko ang aking magkabilang mga mata at tinitigan nang mabuti ang view sa labas. Ayon pa rin ang nakikita ko. Black and white na kulay ng mansion. Oo, mansion! Mansion ang bahay nila. Anak ba sila ng Presidente ng Pilipinas? O, anak ng mga ambassador? Baka naman President ng isang sikat na company ang daddy ng dalawang batang ito? O, worst... Napalunok na lang ako sa aking iniisip, ‘wag natin isipin ang scene na iyon Rhodisa baka magkatotoo. “S-sa inyo ba talaga ito? D-dito ba talaga nakatira ang magkapatid na ‘to, Mi-mister Kenta?” Nauutal kong tanong kay Mister Kenta – iyong lalaking may salamin kanina. Maging ang dila ko ay nabubulol na rin dahil sa kabang nararamdaman ko. Nakita ko ang pagsulyap niya sa akin gamit ang rear-view mirror, inayos pa niya ang kanyang salamin. “Yes, Ms. Rhodisa, that's the Zenger's simple home.” saad niya sa akin at inalis na ang kanyang tingin sa rear-view mirror, hindi naman siya ang nagda-drive. Sabi niya simple home? Mansion na ito! Hindi lang ito simpleng bahay, mansion! Mansion! Gusto ko sana siya i-correct dahil sa sinabi niya pero tinikom ko na lang ang bibig ko, mahirap na baka maalala niyang kailangan niya akong patayin. Teka, sinabi ba niyang Zenger? Parang narinig ko na ang salitang iyon. Saan ko ba iyon narinig? Pero, iniling ko na lang ang aking ulo baka sa television ko lang iyon napakinggan. Ilang minuto ang nakalipas bago kami nakapasok sa pinaka-gate nila ay nakarating na rin kami sa main door ng mansion na ‘to! Hindi ko alam kung gigisingin ko ba ang dalawang bata na nakatulog sa aking hita. Natatakot akong gumalaw kung bawat galaw ko ay pakiramdam kong may nakasunod sa aking mga mata, ang mga bodyguard nilang dalawa. Napaiwas ako ng tingin ng makitang nagising ang batang lalaki sa aking kaliwang bahagi ko, nagkukusot na siya ng kanyang mga mata. “Nandito na ba tayo sa house natin, Mama?” Mapungay ang mga matang tanong niya sa akin at humarap sa may bintana, nasubsob na yata ang mukha niya! Ayos lang ba siya? Bakit naman kasi gano'n ang ginawa niya, halos magpalit na sila ng mukha ng salamin kung may mukha man iyon. “Wow! Nandito na tayo sa house, Mama!” Masayang saad niya sa akin at tinapik ang kakambal niyang nakahiga pa rin sa hita ko. “Blaze, wake up! Wake up! We're here na! Let Mama go down in the car!” saad niya habang tinatapik pa rin ang kapatid niya sa pisngi. Blaze pala ang pangalan ng isang ito. Hetong isa naman, anong pangalan niya? Young Masters lang kasi ang narinig ko roon kay Mister Kenta. “Hmm, Blade is hurt! Don't slap me so hard!” Napalingon ako kay Blaze at nakita kong kinukusot na rin niya ang kanyang mata. So, Blade and Blaze ang pangalan nilang dalawa. “Mama, come on po! Baba na po tayo!” Napangiwi ako sa sinabi ni Blade. Bababa na kami? Sure ba sila? Kasi kung ako ang tatanungin, ayokong bumaba, period! Madali naman malaman kung sino si Blaze and Blade, may nunal sa kanang gilid ng labi si Blaze and si Blade naman ay may nunal sa may kanang mata niya. Kaya alam ko agad kung sino ang nagsasalita sa kanilang dalawa. Tinignan ko ang kambal at nakita ko sa mga mata nila ang ningning. Nakatingin sila sa akin at hawak nila ang magkabila kong kamay. Hindi na talaga ako makakaalis pa. Paalam na talaga sa akin. Hindi ko man lang makikita ang crush kong nasa South Korea. Sayonara! Nawala ang aking iniisip ng bumukas ang pinto at nakita ko roon si Mister Kenta. Bakit siya ang nagbukas ng pinto? “Uncle Kenta, thank you po!” Narinig ko ang magiliw na boses ni Blade at hinila na niya ang aking kamay para pababain ako. Gusto ko lang naman matulog na. Kaya bakit napunta ako sa ganitong sitwasyon? Why? “Mama, go down na po! I'm hungry na po, if ‘di po tayo baba. Uncle Rainer will be sad po!” Nangungusap na sabi ni Blade sa akin. Sino naman ang Rainer na iyon? Nakababa na sa kotse si Blade at hinihila na niya ang aking braso. Anong gagawin ko? “Mama, I'm hungry na po.” Napalingon ako nang magsalita si Blaze na nasa likuran ko, nakita ko ang paghawak niya sa kanyang tiyan. Oh pusanggala! Dahan-dahan ako napataas ng tingin kay Mister Kenta at nakita ko ang madilim niyang tingin sa akin kahit nakasalamin pa siya. “Ah? Ah, oo, bababa na ako!” Dali-dali kong sabi sa kanya at halos mapasubsob pa ako sa sahig dahil sa bilis kong pagbaba sa kotse. Ang laki talaga ng bahay nila. “Come on, Mama. We will gonna eat na po!” Hila-hila ni Blade ang aking kamay at masayang nakatingin sa akin habang nakaturo ang kanyang kabilang kamay papasok sa Mansion nila. Oo, Mansion na ang itatawag ko rito. “S-saan tayo pupunta?” Mahinang tanong ko sa kanila at halos ayoko ng humakbang papasok sa Mansion nila. Parang gusto ng mga paa ko na humakbang pasalungat. “Sa dining hall po, Mama! Nandoon po ang food natin na luto po ni Uncle Rainer!” Masayang wika niya sa akin at wala na akong nagawa kung ‘di humakbang papasok sa Mansion na ito. “Mama, alam mo po bang masarap magluto si Uncle Rainer!” Napatingin ako kay Blaze ng magsalita siya. Binibida ba nila sa akin ang cook nila? “Yes po, Mama! Uncle Rainer po is the best chef in the world!” Magiliw din na sabi ni Blade sa akin. Confirm, binibida nga nila sa akin ang Rainer na iyon. Ano naman sasabihin ko sa kanila, ha? Hindi ko naman kilala kung sino ang Uncle Rainer na iyon. “Mama, dito po tayo! Gym po niyan pupuntahan niyo.” Napahinto ako nang hilahin ni Blaze ang laylayan ng suot kong polo shirt. “Eh?” Napangiwi na lamang ako sa aking ginawa at nakita ko ang pagturo nina Blaze and Blade sa kabilang side ng Mansion na ito. “Doon po ba? S-sorry...” dugtong na sabi ko at sumunod na rin sa kanila. Pakiramdam ko umiinit ang likod ko ngayon. May masama yatang nakatingin sa akin at ayoko ng tignan niyon. Pagkarating namin sa dining hall nila ay halos lumuwa ang aking mga mata at mahulog ang aking panga dahil sa nakita ko. Kumikinang ang buong paligid at may chandelier pa sa gitna mismo ng dining table. Halos lahat ng gamit ay puro ginto, parang ayokong galawin baka mabasag ko pa at pabayaran sa akin. “Mama, tara na po roon! Upo na po tayo! After po nating kumain ay babasahan niyo po kami ng bedtime story!” Hinila na naman ulit ako ni Blade at papaupo na sana ako ng may humila sa upuan ko. Sino naman ito? “Siya po si Uncle Kenzo! Isa po sa bodyguard namin!” Si Blaze na ang sumagot at umupo na rin siya, pinaghila rin siya nu'ng Kenzo. Bakit gano'n? Magkakahilera kaming tatlo? “Young Masters, hinanda ni Rainer ang paborito niyong pagkain.” Napa-straight body ako ng marinig ang boses ni Mister Kenta. Iba talaga ang reaction sa katawan ko kapag naririnig ang boses niya, para kasing may authority. Nakita ko ang pagningning ng kanilang mga mata ng sabihin ni Mister Kenta ang kataga kanina. “Really po, Uncle Kenta?” “Favorite food po namin, Blade?” Sabay nilang sabi na siyang kinangiti ko. Ang cute nilang dalawa. Talagang kambal silang dalawa, isang happy kid and isang half happy and half bugnutin na kid. “Your favorite food is here, Young Masters and...” Napatigil sa pagsasalita ang bagong dating ng makita niya ako. Mukhang siya ang Uncle Rainer na sinasabi nila. Medyo may edad na ang itsura niya, may iilang bigote rin siya at ang buhok niya ay manipis na tipong nakikita na ang iilang puting buhok niya. Pero, may nasasagap ako sa kanyang ibang awra, hindi ko lang malaman kung ano. “Mama po namin siya, Uncle Rainer, ‘di ba po, Mama?” Kalabit sa akin ni Blade at malaki ang ngiti niya sa akin. Tumango ako sa kanya at tumingin sa Uncle Rainer na may bitbit na pagkain. “Um, I'm Rhodisa Balaba po.” Hindi ko alam pero nagpakilala ako sa kanya. Nakita ang pagngiti niya nang ubod na laki sa akin. Bigla akong natakot. “Oh, nice to meet you, Miss Rhodisa. Ako nga pala si Rainer, ang cook ng mga Zen–” “Ibigay mo na ang mga iyan, Rainer. Nagugutom na sila Young Masters.” Sabat ni Mister Kenta sa usapan kaya napakamot na lang sa likod ng kanyang ulo si Rainer – hindi ko alam kung ano itatawag sa kanya. “Heto na nga, oh, Kenta! Nagmamadali ka ba? Nabugahan ka siguro ng apoy ni Kaiju, ano? Kaya ang init ng ulo mo!” Daldal na sabi nitong si Rainer at nilapag niya sa harapan namin ang tig-iisang plato na may lamang dalawang ham, fried chicken, broccoli and saging na naka-slice na. “Wow, thank you, Uncle Rainer!” Masayang sabi ni Blade at nagulat ako sa ginawa niya, nag-sign a cross siya bago kumain. “Kain na po tayo, Mama! Masarap po niyan. Favorite po namin ni Blaze ang broccoli po! Sabi po kasi ni daddy ay healthy po ang fruits and vegetables po kaya need namin kumain.” sabi niya sa akin at maging ang kakambal niyang si Blaze ay tumango-tango. Nahihiya akong kumain dahil una sa lahat, bakit nasa harapan namin sina Mister Kenta at itong si Rainer, nakatitig sila sa akin. Sino gaganahan kumain? Paano ako makakakain? Sana talaga panaginip lamang ito. Jusko, tulungan niyo ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD