Hindi nga ako nagkamali na maaaring sumama si Caitlin sa daddy para sa dinner na ito. Dahil ito at nasa entrance pa lang kami ni Luther ng restaurant ay natanaw ko na ang kapatid ko na masayang kausap ang aming ama. Napahinga ako nog malalim at mas kumapit ang kamay ko sa braso ni Luther habang naglalakad kami. "Based on your reaction you didn't know that your sister will join us tonight," rinig ko sambit ni Luther. Tumango ako sa kaniya at bumaling. Nakasimangot ako pero siya ay nakangiti, hinawakan niya ang pisngi ko at kinurot 'yon. "Don't worry, I am here," dagdag niya pa. "Iyon nga ang dahilan kung bakit narito siya," pagkasagot ko non ay siyang pagbalik ko ng tingin kay Caitlin at ang mga mata nito ay nasa akin rin pala. She smiled at me, at sa ngiti pa lang na 'yon ay alam kong m

