"Naging stalker pa ata kita?" Biro ko na ikinangiti ni Luther sa akin. Ngayon ay kinakain naman namin ang ice cream na dala niya. We're on top of our bed. Nakasandal ako sa balikat niya habang nakaakbay siya sa akin. Ako ang may hawak ng lalagyanan ng ice cream at nagsusubo sa kaniya. Sabi niya hati daw kami tuloy yung isa ayun natutunaw na. "You can actually say that." At nang ako naman ang susubo sa kutsara ay napahinto ako at umangat ang tingin sa kaniya. Huy, that was just a joke! Pero, 'di nga? "We? Sinundan-sundan mo ako?" tanong ko sa kaniya. Parang hindi naman makatotohanan. Siguro kung recently lang? Alam ko na abala rin siya, eh. Saka yung unang pagkikita talaga namin ay feeling ko naweirduhan siya sa akin. Hindi ko nga ine-expect na mai-in love siya ng ganito na pati ang nak

