Ang sabi ng isipan ko ay tumakbo at hilahin si Zack, pero ang tingin na ibinibigay ni Luther ang dahilan rin kung bakit hindi ko 'yon magawa. Napako na ata ako sa kinatatayuan ko! At kahit na sandali ko na pinanlakihan ito ng mga mata para huwag lumapit ay malalaki pa rin ang hakbang nito papunta sa akin. "Zack, can you check on the noodle corner? May hindi ako makita." And when I heard Tita Zarah's voice coming closer I pushed Zack. "Oh. You are with your mother. Sige na. L-Let's talk some other time, okay? Or tomorrow! Let's have lunch. Tatawagan kita," sabi ko sa kaniya. Nananalangin ako sa isip ko na sana ay pumayag na si Zack dahil malapit na talaga si Luther. Thank goodness at malaki itong supermarket! Nasa dulo si Luther at hindi pa nakakaabot! "Yes. Nagpasama si mom. Oh sige,

