Chapter 5

3975 Words
I was nervously scratching my finger nails. Hindi ako mapakali habang hinihintay ko ulit ang tawag ni Zack para sabihin sa akin ang kalagayan ng Daddy. I thought everything is fine? ang sabi sa akin ni Mom last week ay naayos na ang gulo at nahuli na ang nagpapadala ng death threats pero ano 'to? "Calm down, Catalina." Napatigil ako sandali at sandaling huminto ang paghinga ko nang marinig ko ang baritonong boses ni Luther sa aking tabi. Gosh. Muntik ko nang makalimutan na siya ang nagmamaneho ng sasakyan at nasa tabi ko lang! "How can I calm down if my father was shot?" hindi ko gustong tumaas ang boses ko pero sobra talaga ang takot na nararamdaman ko. My lips are wet, my fingertips hurt because of nonstop picking of my nails. My heart is beating so fast. It's been half an hour, and Zack still hasn't called me. Sampung mensahe na ang naipadala ko at tinatanong ko ang kalagayan ni Dad. Isang oras pa ang byahe para makarating sa St. Mary's hospital at ngayon ay gusto ko nang sabihin kay Luther na paliparin na niya ang sasakyan niya. But this man beside me was just quietly driving. Hindi naman mabagal, mabilis naman pero may pag-iiingat. "What did the man say when he called?" I swallowed hard before answering. Hindi ko talaga maitago ang nararamdaman ko. It was my father... "Tinamaan sa tagliran si Dad. T-The shot could be life threatening. Oh, God, hindi pa ako nakakabawi sa kaniya sa mga nagawa niya sa akin.I even refused to take over his company, and we had a small fight when I suggested he should just give up his position as the CEO." My eyes heated up. Naninikip ang dibdib ko dahil sa takot at kaba. I love my father so much. And even if I know he wanted me to be the CEO, he respected my decision of not joining their business world. Pero nang malaman ko na may banta na sa buhay niya dahil sa kumpanya simula nang mas dumami ang mga investors at mas nakilala ang kumpanya ay sinabi ko kay Dad na i-give up na niya 'yon. W-We don't need a lot of money... pero ayaw ng Daddy, eh. Sabi niya na mas mabuti pa raw na mamatay na nasa kaniya ang kumpanya kaysa mapunta sa mga halang ang kaluluwa. He doesn't want to let go of the company because he worked hard to build it, naiintindihan ko naman 'yon pero kung ganito at buhay niya ang kapalit mas mabuti pa na hayaan na niya'yon. "W-Why do business run like this? bakit may sakitan? may pagbabanta?" I whispered. Pinalis ko agad ang tumulo na isang butil ng luha sa aking kanang pisngi. "It always work in this way, Catalina. In order to be in a powerful seat everyone must fight for it." "But, Dad owns a huge share! he worked hard for the company for years! it was his and--" "Your father is Callix Trevor Rivanez. He is a huge person, he has a lot enemies not just inside of his company." Marahas kong binalingan si Luther. He is still calmly driving. Nasa daan lang ang kaniyang mga mata pero sinasagot naman niya ang mga sinasabi ko at mga tanong. "Why? he is a good person! I don't remember anything na ginawa ni Dad para mangyari ito sa kaniya... h-he is one of the kindest... he has a lot of friends..." I bit my lower lip hard but when we stopped because of the traffic lights turned red, I heard he breathed harshly. As if he's having a hard time making me understand their 'world.' "Sometimes, the people you consider friends can be your enemies, and not everyone close to you has good intentions." After he said that, one of his hands let go of the steering wheel at nang humarap siya sa akin ay umangat ang kamay niyang 'yon at lumapat sa pang-ibabang labi ko. He pressed it harder and I let go. "Stop biting your lip, it will bleed, Catalina." Napalunok ako sa klase ng tingin na binibigay niya sa mga labi ko. I looked away when my heart started beating fast. Sa bintana ako humarap at tumalikod sa kaniya. When the car started, I touched my lower lip. Why is he with me again? Ipagda-drive ka lang, Thes. Iyon lang. Pagkatapos wala na. Hindi na ako nagsalita pa sa buong byahe. When my phone vibrated and saw Zack's name on my screen agad kong sinagot 'yon. "H-Hello, Zack? how's Daddy?" "Hindi naman ganoon kalalim ang tama ng bala, Thes. Wait, huwag mong sabihin sa akin na nagda-drive ka na ngayon?" Umiling ako agad kahit hindi naman niya 'yon nakikita. "N-No! hindi ako ang nagmamaneho." "Then, who? anong oras na, Thes. Nag-taxi ka? it is still not safe." Napabaling ako kay Luther, I saw his jaw tighten a little bit. I think he wanted to speak, but he's just waiting for me to finish the call. "A-Ahm, a friend... ipinag-drive ako ng k-kaibigan ko." Sa kalmadong pagmamaneho ni Luther simula kanina ay bigla itong pumihit ng preno na ikinagulat ko at ikinahawak ko sa braso niya. "I'm sorry, a cat suddenly passed by," he said. I saw nothing on the road! "Who's that, Thes?" Napaawang ang mga labi ko at bumitaw sa braso ni Luther nang muling umandar ang kotse niya. "S-Siya yung kaibigan ko na ipinagmaneho ako. B-By the way, malapit na rin ako, Zack." "Oh,that's good but I didn't know that you have a male friend, Thes." "Just... recently," sinulyapan ko si Luther. His lips were moving, and his eyes became sharp as he looked at the road "Okay. Pero, huwag ka na masyadong mag-alala. Papunta na rin pala dito ang Mom mo at si Caitlin. They heard about what happened from my father." They're on the way, too? pero bakit walang mensahe sa akin ang Mom at si Caitlin? "Sinabi kaya ni Tito na a-alam ko na?" "No. I heard their conversation. Ang kausap lang ni Dad ay ang mom mo and he just informed her what happened. Saka, hindi ko rin binanggit kay Dad na sinabi ko sa 'yo but Tita said that she and Caitlin are on the way now baka mauna sa iyo dahil mas malapit ang lokasyon nila." Even in this situation, I felt like I am not part of them. Ilang beses na rin ba? the surprise parties for Dad, I was always out. It's Mom and Caitlin who always make the plan. Ako ay iba palagi. The events of the family, if hindi ang Dad ang magsasabi, malalaman ko sa iba. My heart clenched. I heard Zack told me that he will wait for me outside of the hospital. Wala sa sariling sinagot ko na lang ito na malapit na. I said that I'll arrive in ten minutes. Pagkababa ko ng cellphone ay inilagay ko 'yon agad sa loob ng bag ko. "Just drop me off at the drugstore near the hospital, Luther." Sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong napabaling siya sa akin pero hindi siya sumagot. I assumed that was his answer. Naalala ko ang ganap sa aming dalawa kanina. How we were both in heat and ready to devour each other. Nakita ko na rin ng malinaw ang makakapagpalasap sa akin ng langit at naramdaman ko na ang ligaya na dulot ng mga kamay niya. I was enjoying his company actually, how he make me feel the pleasure. Pero yung pagkasabik ko na madiligan ay hindi nga natuloy. Sayang. Pero hindi ko inaasahan na mangungulit rin ang isang ito dahil hindi niya talaga ako hinayaan na magmaneho. Pabor 'yon sa akin dahil parehong mga kamay ko ngayon ang nanginginig sa pag-aalala kay Dad. When I spotted the place where Luther could drop me off, I looked at him. "Diyan na lang ako sa 24/7 Drugstore." I took my phone again, looked at myself in the camera. Fixed my hair but when the speed of the car didn't slow and we already passed by the drugstore, ang bilis ng paglingon ko sa katabi ko. "Luther, hindi mo ba ako narinig?" "I didn't say that I'd drop you off there, Catalina, ihahatid kita hanggang sa loob," sandali niya akong tinitigan. It was as if he's telling me not to argue about that. Ang suplado pa! "W-What? there's no need! stop the car at dito mo na lang ako ibaba!" "The place is still a few minutes' walk from the hospital, and it's too dark here for you to walk alone." Ang kulit rin ngang talaga! eh, hindi siya pwedeng makita ni Zack na kasama ko! of course Zack would recognize him! oh please! he is not just a nobody! He is Luther Rico Valleje! ***** Ngayon ay nagsisisi na ako at pumayag pa ako na ihatid ni Luther sa hospital. Buong akala ko naman kasi ay ihahatid lang talaga niya ako at aalis rin pero ito at hindi niya naman sinunod ang gusto ko kahit nakailang pagpapasalamat na ako sa kabutihan niya. And what's worse? He even went inside the hospital with me! Ngayon ay iniisip ko kung ano ang isasagot ko sakaling makita siya ni Zack at tanungin ako dahil nga wala naman akong ibang kaibigan na lalake maliban sa kaniya. Hindi naman rin madaling mapaniwala ang isang 'yon, specially if the man who's with me is a Valleje. Kilalang-kilala ang pamilya ng mga ito. Pati nga yung fiancè ni Thaliana na kapatid nitong si Luther. Hahh. What am I gonna tell them? At paano rin kung narito na sila Mommy? Maniwala kaya sila kung sasabihin ko na magkaibigan kami ni Luther? Right! I will just tell them that Luther and I are very good friends. Gumana kaagad ang utak ko doon. Tumigil ako sandali sa pagmamadali upang pumunta sa silid ni Dad at hinawakan sa braso si Luther. Tingnan mo ito, ako ay hindi na mapakali pero siya ay chill-chill lang talaga. Sadya ata niya na sumama siya pra asarin pa ako. "Hey, if anyone ask my relationship with you just tell them we are friends." "Alright but, why do you look so nervous, Catalina? your dad knows me," sabi naman niya sa akin. Eh, 'yon nga! kilala siya ni Dad. Sino ba ang hindi nakakakilala sa kaniya sa larangan ng negosyo? wala. Paano kung tanungin ako ni Dad kung bakit magkasama kami ng ganitong oras? Eh, hindi ko naman siya naikwento na kaibigan ko! Saka, ano ang sasabihin ko? na, 'Dad, nagkita po kami ni Luther sa bar, naglaro po kami doon ng jak en poy tapos itinuloy po namin sa bahay ko kaya nung nalaman ko ang balita eh nagprisinta po siya na samahan ako.' That's bullsht. "Kung hindi ka sumama sa akin dito sa loob ay hindi ako kakabahan at mamomroblema ng ganito. Pwede naman kasing iwan mo na ako." "If someone who knows us see us together, just tell them that we are friends at nagmagandang loob ka lang na ihatid ako dito sa hospital! pero mas mabuti kung umuwi ka na! okay na ako. Thank you so much for your kindness!" Sunod-sunod at walang preno na sabi ko. He smirked and then leaned on me. Sandali akong nabigla dahil ang lapit niya sa akin. "What else do you want me to do?" I can smell his mint breath. Inilapat ko ang kanang kamay ko sa kaniyang dibdib at itinulak siya. "T-That's all!" "Umayos ka!" pahabol ko pa. Nauna na akong maglakad. Naramdaman ko naman na sumunod na ulit siya. At nang marating ko na nga ang room ni Dad ay hindi na ako nag-abala na kumatok at binuksan ko agad ang pinto. And there I saw him on the bed, nakaupo siya at kausap ang ama ni Zack. He's smiling and he's okay! T-Thank God! Nang bumaling ang tingin niya sa akin ay tipid akong ngumiti. "Catalina, hija. It's late, bakit pumunta ka pa? I am okay," he said softly. I can sense worry in his voice. Napasimangot ako dahil siya pa ang nag-alala sa akin when he's the one who got shot. "H-How are you, Dad? are you really okay now?" tanong ko pero bago pa man ako makalapit sa kaniya ay bumukas muli ang pinto sa likod ko, ang lakas non na tumama sa pader at kasunod ay narinig ko ang boses ni Caitlin. Zack's Dad give distance when my sister went in. "Dad! Oh, Gosh! Are you okay, Daddy? Saan ka po tinamaan? And w-where the hell is your bodyguards?! Bakit hindi nila ginagawa ang trabaho nila na protektahan ka!" She was so worried. Like me. Napangiti ako dahil narito na rin pala siya pero nawala rin ang ngiti na 'yon nang marinig ko ang boses ni Mom malapit sa tainga ko. "You are drunk and you came here? Paano kung ikaw naman ang nadisgrasya, Therese? hindi ka talaga nag-iisip." Napatigil ako sa paglapit. My mother's words made a huge impact that my eyes heated so fast. I came here because I was so worried about Dad. "Mom..." "Save your words, Therese. I am not here for your explanation." Gusto ko lang naman rin magpaliwanag at sabihin na hindi naman ako ganoong lasing at hindi naman ako ang nagmaneho pero pagkasabi non ni Mom ay sumunod na rin siya sa paglapit kay Caitlin at kinamusta ang Dad. She didn't even want to hear my words. Ano pa ba ang bago? "Thes..." I looked back and saw Zack entered the room, too. Hinawakan niya ako kaagad sa braso na ikinaharap ko sa kaniya. He caressed my face and that's when a single tear fell. Paiyak na pala ako. Why am I so weak when it comes to my family? "Are you okay?" I always think that the best answer to that questions is, "Yes" kasi parang napakahirap sabihin na, "No, I am not." Dahil hindi mo rin naman alam at hindi ganoon kadali ipaliwanag kung bakit hindi ka okay. "Y-Yes, I am okayz Thank you for taking care of Dad. I can see that he's fine now. Hindi na rin ako magtatagal, Zack. Nariyan na rin naman si Mom at Caitlin." Marahas siyang napabuga ng hangin ng mas inilapit ako nang hilahin niya ako sa braso. He even caressed my back because he knows what I feel right now. Zack knows how Mom and Caitlin treats me. "Dumito ka muna sandali. Kausapin mo kahit sandali si Tito Trevor. I know how worried you are sa tawag pa lang kanina. And I apologize for that, Thes. Hindi ko na naisip na sobrang mag-aalala ka." Umiling naman ako at tumingin kay Dad. Tumatawa siya habang nagsasalita si Caitlin, at ang Mom ay nakangiti naman. "Maybe, I'll talk to Dad tomorrow? hindi naman rin nga tama na pumunta pa ako dito gayong nakainom ako. Tama si Mom. Bukas ay babalik ako kung mananatili pa si Dad para sa ilang mga tests." Nakita ko naman ang awa sa mga mata ni Zack. Tumango siya at hindi na ako lumapit sa aking ama. We just both stay on the corner. Nakatingin ako sa kanila. Nanonood. Si Caitlin ay nakaupo sa gilid ng kama at hawak ang braso ng aming ama. I heard her sweet tone asking Dad if he's really okay. I want to be that close too. Pero ang tingin ni Mom ay pinapatigil ako sa aking pwesto. She was on the other side and she glanced at me only once. Isang beses lang pero warning na 'yon na huwag akong lumapit. And while I am watching them, naramdaman ko na naman ang layo ko sa kanila. My heartache and my mind is telling me that I am part of their family too, so why am I here? bakit ang layo-layo ko? Stop, Therese Catalina. Hindi ka iyakin. Bago pa man ako maiyak sa loob ng silid ay lumapit ako sa kanila, hindi para makisali sa kasiyahan kung hindi para magpaalam na aalis na. "Dad..." tawag ko. Nakita ko agad ang pagkawala ng ngiti sa mga labi ni Mom nang humakbang ako palapit. "Mauuna na po ako. Maaga pa po kasi akong pupunta bukas sa bagong branch ng Catalina's." Pangalan ng clothing line business ko 'yon. Simula nang iwan ko ang modeling career ko, nag-focus na lang ako sa pagtatayo ng iba't-ibang negosyo. I owned bars, resorts, pet shops, pet house, Household staffing agency at marami pang iba. Ang sabi nga ng kaibigan ko na si Thaliana Tangi ay para raw sampung pamilya ang binubuhay ko. Pero, kahit gaano karami ang mga negosyo ko, hindi pa rin sapat yung saya dahil hindi ko pa rin nagagawa ang pinakagusto at mahal ko na trabaho. And even if I wanted to now, I can't do it anymore." Because I've already given that up for Caitlin. ***** I was a model. A lot of brand owners and international fashion directors noticed me and offered big projects. Unfortunately, my sister, who's also pursuing a modeling career, was left behind. That's when mom talked to me. She said I need to step out of the spotlight for Caitlin to shine. Ibinigay ko 'yon. Isinuko ko kahit mahal na mahal ko ang pagmomodelo. Hindi ko na ipinaglaban ang gusto ko dahil sa atensyon at pagmamahal na nais ko mula sa kanila ni Mom. Ipinagpalit ko ang trabaho na pangarap at mahal ko para sa kanila dahil para sa akin ay mas mahalaga ang pamilya. Sometimes, they care, sometimes they don't. At tuwang-tuwa na ako sa tuwing mabibigyan nila kahit kaunti ng kanilang atensyon. I feel sorry for myself because it's like I'm begging for their love. Naisip ko nang baka hindi ako anak ni Mom dahil iba ang turing niya sa akin but that's impossible. A lot of people saying that we looked a like. Ang Mommy ang kamukha ko, at si Caitlin naman ay ang Dad. "I am sorry for making you worry, anak. Mag-iingat ka, ha?" sabi ni Dad at tumingin ito kay Zack. "Can you bring my daughter home, Zack? mas mapapanatag ako kung ihahatid mo siya." Hatid... Doon naman naalala si Luther. Napalingon ako sa pinto na bukas. He was not there! Hindi siya sumunod? Kung ganoon, saan nagpunta 'yon? Damn. Nakalimutan ko na siya. Pero tingin ko ay umuwi na rin siya pagkatapos ng mga sinabi ko. Siguradong hindi na 'yon maghihintay pa. "A-Ahm, No, Dad. Okay na po ako. Kasama ko po yung... k-kaibigan ko. Siya po ang nag drive," sagot ko naman. "Sigurado ka po na okay ka na?" dagdag tanong ko pa. Medyo malayo ako, hindi pa rin ako lumalapit sa kanila. Caitlin is not smiling like she is earlier, and Mom has a blank face. "Yes, anak. Matagal pa akong mamamatay kaya huwag kang mag-alala," sagot ng Dad na tipid kong ikinangiti. "Trevor! huwag ka ngang magsalita ng tungkol sa kamatayan! don't also take what happened to you as a joke!" pagalit ni Mom na parang kanina pa nagtitimpi. "Thessa--" "Why are you always like this? y-you always make us worry! akala ko ay kung napaano ka na nang malaman ko na habang pauwi ay may humarang sa inyo at pinagbabaril ang sinasakyan mo. T-Thank God you are fine!" Naiyak na ang mommy, kaagad naman na umikot si Caitlin at inalo ito and when I was going to walk near them I stopped when I felt my presence was not needed. Again... I always felt this while looking at them. Hindi na rin ako lumapit pa kay Dad dahil naupo na ang Mom sa gilid ng kama niya at inalo na rin siya nito. I just quietly exited the room without them noticing. At pagkalabas na pagkalabas ko ay pinalis ko ang mga luha na sunod-sunod nang nalaglag. Para bang kanina pa nila gustong mahulog pero pigil na pigil ko lang. Now you guys won. Go ahead and fall. "Thes, ihahatid na kita," puno ng pag-aalalang sabi naman ni Zach na sinundan ako sa paglabas. "Z-Zack..." His eyes were filled with pity as he looked at me. Ito rin ang isa sa ayaw ko, ang kinaaawaan ako pero sino ba ang hindi maaawa sa sitwasyon ko? Para akong nanlilimos ng atensyon sa sarili kong pamilya. Hindi pala parang... dahil ganoon na nga mismo ang nangyayari. "I'll get my car, wait for me outside--" "N-No..." pigil ko sa braso niya nang tatalikod na siya. "I-I am with my f-friend," sabi ko kahit alam kong wala na rito sa ospital si Luther at umuwi na. "Umuwi ka na rin at magpahinga, Zack. Thank you for telling me what happened to Dad. Anong oras na at bukas ay alam kong maaga pa ang pasok mo sa opisina." He pressed his temple as if he regretted telling me what happened to my father after he also witnessed Mom and Caitlin making me feel right in front of my face that they don't need me. "But--" I tapped his back and smiled even with my eyes full of tears. "I am fine! kapag nakauwi na ako ay sasabihin ko rin sa 'yo agad, okay? and tell me also kung nakauwi ka na rin. Pakisabi na rin pala sa Dad mo na maraming salamat. Hindi ko na nakausap kanina sa silid." "Thes..." tawag niya sa pangalan ko, puno ng pag-aalala at awa. "Thank you again, Zack. At mag-iingat ka pauwi." After I said that I turned my back on him and started to walk. Kung ano ang laki ng mga hakbang at pagmamadali ko na makarating sa silid ni Dad kanina ay siyang bagal ng paglabas ko ngayon na parang ayaw ko pang umalis. My heart is aching so badly. Naninikip at hindi matigil ang pagtulo ng mga luha mula sa mga mata ko. Hindi naman ako iyakin, hindi rin ako mahina, napakatapang ko pero palagi... p-palagi na pagdating sa pamilya ko ay pakiramdam ko ako ang pinakamahina at pinakatangang tao sa mundo. "Ibinigay ko naman na lahat, ginagawa ko naman ang lahat ng gusto nila," I complained like a child. Hindi ko na pinagkaabalahan na palisin ang mga luha, napapatingin na sa akin ang mga nakakasalubong ko sa labas ng ospital. At nang pagkalabas ko sa mismong kalsada ay handa na sana akong pumara ng taxi nang mapatigil ako at makita ko si Luther na nakasandal sa hood ng kotse niya at nakahalukikip na parang may hinihintay. H-he is still here... akala ko ay umuwi na siya? It didn't even take long when his eyes met mine. Pagkakita niya sa akin ay umayos siya ng tayo at seryoso akong tiningnan. "Are we going home now?" he asked me with so much care in his voice. Hindi siya ganoon kalapit pero rinig na rinig ko. Napahikbi ako lalo. And I didn't know what has gotten into me. Mabilis akong naglakad palapit sa kaniya at walang salita na kumapit sa kaniyang batok upang halikan siya. It was not a quick kiss. It was deep, passionate, and he immediately responded. Sa labas mismo ng ospital na may iilang tao na dumaraan ay walang kahiya-hiya na pinalalim ko pa ang halikan namin na dalawa. "Catalina..." and when he whispered my name, I looked at him. My lips quivered and tears fell from my eyes, which he wiped away immediately. "I am... so sad right now, Luther." Nakatingin lang siya sa akin. Hindi ko mabasa ng maayos ang klase ng tingin niya pero nang kumislap 'yon habang nakatuon ang atensyon niya sa akin ay nakita roon ang simpatya. "M-My heart h-hurts so much." Humigpit ang kapit ng mga kamay ko sa kaniyang batok at siya naman ay bumaon ang mga daliri niya sa aking baywang. He even pulled me closer to him. Our breath touched our faces. Our lips were just a few inches away again... "What do you want me to do?" he asked huskily. And I responded, "Remove the pain and make me happy tonight. Please, Luther."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD