"So, ano nga? Hindi pwedeng ngiti lang. Sinabi mo sa akin kanina na ikukwento mo ang nangyari sa Cebu." Mukha namang nauhaw si Caitlin sa mga sinabi ko dahil inubos niya ang laman ng baso na hawak at ibinaba iyon sa bedside table. Nag-Indian sit rin siya sa harap ko habang nakaupo pa rin ako sa sofa sa tapat ng kama niya. "Alam mo namang hindi rin ako papatalo sa'yo noon at alam mo ring hindi ko intensyon na agawin sa'yo ang boyfriend mo. Well, I mentioned that earlier. Pagkatapos ng nangyari, pinuntahan ko si Zack at ipinaliwanag ko sa kanya na siya pa rin ang lalaki na gusto ko. Nainis lang ako sa—" "Pero hindi talaga ako natuwa sa ginawa mong 'yon kay Luther, Caitlin," pagpapatigil ko sa kaniya habang humalukipkip ako sa harapan niya. Ito at naalala ko na naman. "I-I know." "I am

