I think I've heard enough. Parang sapat na sa akin ang narinig ko para umalis ng sasakyan ni Luther at lumayo muna sa kaniya. My anger intensified, and jealousy and pain filled me when I heard what he said. Nag-iinit ang sulok ng mga mata ko at alam ko na malapit nang magbadya ang mga luha. "Baby..." Napatango ako at napapikit ng mariin sandali. Pilit kong kinakalma ang sarili ko dahil kahit 'yon pa lang ang narinig ko, sobra na akong nasasaktan. He knows damn well that Thaliana Tangi is my best friend, at alam niya... a-alam niya na dapat niyang sinabi sa akin ito mula pa lang sa simula! "Catalina, I liked her, yes. But not in a way that I would steal her from my brother or that I truly wanted her to be mine. Hindi ganoon dahil alam ko kung ano ang lugar ko. Ayokong gumawa ng mas ika

