Chapter 2

914 Words
“Yehey! Naubos na naman ang paninda natin, ‘Nay! ‘Tay!” masaya kong sabi. Binibilang ko pa ang benta namin sa belt bag ko. Marami iyong tig-iisang libo, kaya tuwang-tuwa ako. Ang sarap talaga sa mga mata ng asul na papel na ito. “Ayon nga, Anak. Maibibili na rin natin ang kapatid mo ng bagong sapatos,” tugon ni Nanay Kleng. Napangiti ako sa sinabi niya. Lumapit ako kay Nanay na naglilinis ng lamesa counter namin na wala ng laman. “‘Nay… may bibilhin din pala ako. Pahingi ako ng two-hundred,” bulong ko. Napatigil si Nanay sa ginagawa niya at tumingin sa akin. “Anong two hundred? Kumuha ka diyan ng isang libo at bumili ka kung ano ang gusto mo, Anak. Deserve mo ‘yan.” Hindi makapaniwala na tiningnan ko si Nanay. Pinagbibigyan naman niya ako palagi, pero nagulat lang ako na nag-English siya. “Talaga, ‘Nay?” “Tsk! Oo na nga! Sige na at para—” “Excuse me. Miss? May tilapia pa?” Sabay kaming napatingin ni Nanay Kleng sa unahan. At halos tumulo na ang laway ko noong makita ko ang lalaking nakatayo roon. Panay ang tingin niya sa paligid na tila ba ay may hinahanap. Iniikom ko ang bibig ko at bahagya pang nagpunas sa may labi. Sana naman ay hindi niya napansin na bahagyang tumulo ang laway ko. Nakakahiya! Ang pogi pa naman ni Kuya! “T-Tilapia ba, Sir? Marami!” tugon ko. Bigla akong napangiwi noong maramdaman kong siniko ako ni Nanay sa tagiliran. “Ouch! ‘Nay!” Tiningnan ko siya. “Anong marami? Nagsasara na nga tayo, ‘di ba?” Muli akong napatingin sa lalaking nakakunot na ang noo. “Ano ka ba, ‘Nay? H’wag ka muna maingay! Ako na ang bahala rito,” bulong ko. Muli akong humarap kay kuyang pogi at ngumiti. “Tilapia ba ang hanap mo, Sir?” Tumango ito. “Yes. Are you deaf?” Natigilan ako sa sinabi niya. English ‘yon a! “Huh?” Mas lalong nangunot ang noo niya. “Kailangan ko ng tilapia, Miss. Hindi ba ito ang stall ni Baby?” Napakurap-kurap ako. “Ako ‘yon, Sir! Kilala mo pala ako?” “No. You are recommended by people here. I need Tilapia tomorrow. Can I order fifty kilos?” tanong pa nito. Napaawang ang bibig ko. “Fifty kilo? Sure po ba kayo?” Umarko na ang kilay nito. “Of course. I have money. I can pay now.” Napaisip ako bigla at sandaling nakalimutan ang kagwapuhan niya. Fifty kilos? Parang calculator na awtomatik kong naisip kung ilan ang kikitain namin sa fifty kilos na order niya. Napangiti ako ng malaki. “Okay! Sige, Kuyang Pogi—este Sir pala! Saan ba ide-deliver ang tilapia?” tanong ko. “On my restaurant. Do you know Gomez Cuisine sa Don Antonio? You will deliver it there early in the morning. I want it three in the morning. Sharp,” mariin na sabi niya. Ni wala manlang himig ng pakiusap. Pogi nga, pero mukhang may attitude. Pinagkrus ko ang mga braso ko. “Okay. Kailangan namin ng fifty percent na downpayment. No return ito kapag bigla kang nag-cancel. Okay lang?” “Whatever. How much?” tanong nito. Kinuha nito ang wallet mula sa likod na bulsa. “Ten thousand,” mabilis kong sabi. Hindi naman ako sigurado kung tenkyaw nga ang kalahati, may gusto lang akong subukan. “Okay. Here.” Napaawang ang bibig ko noong binuklat nito ang wallet at umambad sa akin ang makapal na asul na mga papel. Feeling ko kahit itupi ko pa sa tatlo ang kita namin ngayon ay hindi manlang mangangalahati sa laman ng wallet niya. Sino ba itong lalaking ito at parang ang yaman naman? Minsan lang may makarating sa amin na ganito. Inabot nito ang pera sa akin at agad ko namang kinuha. Napangiti ako nang malapad. Paldo na naman kami ngayong araw! “Make sure that it's fresh. Ayaw ko ng bilasang isda.” Awtomatikong nagsalubong ang mga kilay ko at nawala ang mga ngiti. Tiningnan ko siya habang nakapamaywang na. “Bilasa? Akala ko ba ni-recommend ako sa ‘yo ng mga tambay dito sa Kalye Trese? Hindi ba nila nasabi na mas fresh pa sa fresh ang mga tilapia ko?” mataray kong tanong. Parang nalito siya dahil tinitigan niya lang ako ng hindi siya makapaniwala. “What?” Pinagkrus ko ang mga braso ko at sinamaan siya ng tingin. Gwapo nga pero mukhang judgemental naman! “Ang sabi ko, fresh ang tilapia ko! Pwede mo ngang kainin ‘yon kahit hindi mo iluto sa sobrang fresh e!” Napakurap-kurap ito. Pagkatapos ay umiling. “Whatever. Just bring me the fish tomorrow. And don’t be late.” Bago pa ako makapagsalita ay tumalikod na siya sa akin at naglakad na palayo sa akin. “Ang arogante naman ng lalaking ‘yon! Judgemental pa!” inis na sabi ko. “Sus! Ikaw nga ay sobra-sobra ang hiningi mo,” ani Nanay. “At parang sigurado ka rin na mabibigyan natin siya ng fifty kilos na tilapia, ha?” Napalabi ko. Tiningnan ko ang pera na hawak ko. Sa katunayan ay hindi ako sigurado. Baka nga maubos na ang mga alaga nila Tatay dahil doon. Pero sayang naman ang pera… kaya gagawa ako ng paraan. At sisiguraduhin ko na magsisisi ang lalaking ‘yon na tinawag niyang bilasa ang mga tilapia ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD