Hindi gumagana ng maayos ang ulo ko sa sinabi ni Feri kanina. Parang sirang plaka ang ulo ko na inulit-ulit ang sinabi ni Feri sa akin hanggang sa naka-uwi ako sa probinsiya namin. Pagkatapos niyang sabihin iyon sa akin, agad siyang umalis at sumakay sa sasakyang nakaparada sa harapan ng condominuim at pinararurut ng mabilis. "Polinar, kakain na." Bumalik ako sa reyalidad kung saan madaming problema nang marinig ko ang boses ni Aye Grace na hindi ko namalayang nasa harapan ko na. "Okay ka lang ba?" Tumango ako kay Ate Grace at tumayo sa pagkakaupo. Kita ko ang pagdadalawang isip ni Ate Grace na pilit ngiting nginitian ako at inalyanan akong pumunta sa kusina nila. "Upo ka, hija." Sabi ni Aling Perla at pinanghila ako ng upuan. Umupo ako roon at katabi ko ang anak ni Ate Grace, si Kro-k

