Venice' Pov: Natigil ang sana ay pag-atake ko nang makita ang ilang estudyanteng halos patakbong dumaan sa training room na kinalalagyan namin. "Anong meron?" Kahit si Vin ay umalis sa pwesto n'ya at nakisilip sa may pintuan. "Roll Call," sabi ko. Gusto ko tuloy magpapadyak. Gusto ko ding mapanood ang kung sinumang maglalaban sa roll call pero nandito ako ngayon sa training room. Hindi ko din naman gustong magalit sa akin si Sir Reagan sa oras na suwayin ko s'ya at manood na lang ng roll call kahit pa nga nakakatukso iyon. "Sayang naman, mukhang maganda pa naman ang magaganap na laban," sabi ni Vin. Katulad ko ay punong-puno ng panghihinayang ang mukha n'ya. "Ituloy na lang natin ang sa atin," sabi ko at muling bumalik sa gitna ng silid. Napapalatak ang lalaki. "Ayaw mo ba talagang