Chapter 37- Abyssal Chain

2509 Words
Crayon's Pov: "Hindi na s'ya makakabawi pa kahit na magpahinga s'ya buong buhay n'ya. Iyon ay kung tatagal pa ang buhay n'ya." Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinilabutan sa narinig. Ito ang kauna-unahang pagkakataong natakot ako para sa sarili kong buhay. I am death at ni kahit minsan ay hindi ako natakot sa kamatayan. Not until now. Lahat kami ay maang na napalingon sa nagsalita. Walang iba kundi ang lalaking naabutan naming nakasandal dito sa labas ng opisina ni GrandMaester. Nakakunot pa din ang noo n'ya habang pinapasadahan ako ng tingin na tila ba may kung anong hinahanap sa akin. "Alex, hindi ba at sinabi kong dumiresto ka na sa registrar para sa mga kakailanganin mo? Ano pang ginagawa mo dito?" Inis na sabi ni Zen pero hindi man lang s'ya pinansin ng lalaki bagkus ay lumapit sa amin. Kung kasama s'ya ni Zen at si Zen ang nagdala sa kanya dito sa Saint Runes, nasisiguro kong isa s'ya sa makakatulong sa pagtatanggal ng sumpa sa marka ng mga Mongrel. Sinalubong ko ang mga mata n'ya. Wala akong ibang nararamdaman sa kanya. Hindi ganoon kalakas ang presensyang ibinibigay n'ya. Napailing na lang ako nang mapagtanto ang ginagawa ng lalaki. Itinatago n'ya ang lakas ng presensya n'ya. "Pakiulit ng sinabi mo." Si Queven. Humarang s'ya sa akin. "Nagkamali yata ako ng narinig." Ikiniling lang ng tinawag na Alex ang ulo n'ya at nakapamulsang tiningnan ako. "Hindi pahinga ang kailangan mo. Dahil hindi ka naman na magtatagal so bakit kailangan mo pang magpahinga? Mas mabuting enjoy-in mo na lang ang mga natitirang araw mo para wala kang pagsisihan kapag namatay ka na." "What the hell are you talking about?!" "Alex!" Sabay na nagtaas ng tinig sina Zen at Jiro. Pumagitna si Jiro. "Alam mo ba kung anong sinasabi mo? Hindi magandang biro ang kamatayan." Kalmado pero madiing wika ni Jiro. "Sinasabi ko lang ang nakikita ko at hindi ako nagbibiro. Hindi na magtatagal ang buhay ng lalaking iyan." Ni hindi man lang natinag na sabi pa ng lalaki. Iniangat ni Alex ang kamay n'ya at itinutok sa akin ang hintuturo. Naramdaman kong naglabas s'ya ng aura. Hindi nga lang iyon katulad ng presensya ng ibang aura. Agad din iyong nawala kaya laking gulat ko na lang nang mahiwa ang laylayan ng manggas ng blazer ko. Maging ang panloob ko ay nahiwa. Inilabas niyon ang braso ko na may mga itim na marka ng kadena. Mabilis na itinago ko ulit ang braso ko kahit na nakita na nila iyon. Masama ang tinging ipinukol ko sa pakialamerong lalaki. "Ano 'yang bagay na nasa braso mo?" Jiro asked. "Wala." I hissed. "Crayon!" "Wala ito Jiro," sabi ko at nag-iwas ng tingin. Chief pa din s'ya kaya hindi ko magawang ignorahin ang tanong n'ya. "Galos lang ito sa mga sugat na nakuha ko sa Heaven's Arena. Namaga kaya nangitim." Alam kong hindi naniniwala sa akin ang Chief ng mga Skill pero wala naman akong planong sabihin sa kanya ang tungkol sa bagay na nasa braso ko. Itinago ko muli ang braso ko pero wala akong nagawa nang gamitan n'ya ako ng ability n'ya at sapilitang ipakita sa kanya ang braso ko. Kita ko ang gulat sa mukha nina Jiro at Zen. Bahagya pa silang napalapit sa akin at sinuyod ng tingin ang mga itim na kadenang nakapaikot sa braso ko. "Jiro..." Babala ni Queven. "Not here." Nananantiya ang boses ng kaibigan ko at s'ya na ang kusang naglayo sa akin sa dalawa. Kaming lima lang ang nandito pero naramdaman ko ang pag-aalala ni Queven na may ibang makakita sa nasa braso ko. "Ako. Alam ko kung ano iyan. Alam ko din kung gaano kabigat ang epektong dala ng mga kadenang iyan." Sabat ni Alex at itinuro si Queven. "Pero mukhang tama s'ya, hindi ito ang tamang lugar para pag-usapan ang tungkol d'yan." "Sandali." Queven hissed. "Sino ka ba?" Hindi na nagawang sumagot pa ni Alex nang malugmok ako sa sahig. Basta na lang ako nabuwal sa sahig. "Crayon!" Hindi ko na alam kung sinong dumalo sa akin. Tanging bigat at kirot lang ng kanang braso ko ang pinagtuunan ko ng pansin. Para akong may mabigat na bagay sa braso ko, literal ang bigat niyon. Gusto kong sumigaw sa sakit pero alam kong hindi makakabuti iyon. Nalasahan ko na lang ang dugo sa tindi ng pagkagat ko sa labi ko para magpigil. "s**t! May paparating!" "Nandito sina Sir Gael!" Narinig ko pa silang nagmura pero hindi ko na sila nabigyan pa ng atensyon. Naramdaman ko ang mabilis na paglalabas ng aura ni Queven. Agad na bumalot sa amin ang mga puting balahibo. Mabilis lang iyon at nang mawala na ang mga iyon ay wala na kami sa labas ng opisina ni GrandMaester. "Nasa gubat tayo." Pagpapaalam ni Queven. Sinubukan n'ya akong alalayan pero iwinaksi ko ang kamay n'ya. "Ah! Ang sakit!" Hindi ko na napigilang sumigaw. Halos hawiin ko pa sina Jiro para makalayo pero hindi alam kung saan ako pupunta. Muli akong nalugmok sa damuhan at tumama pa ang tuhod ko sa matulis na bato pero mas nangibabaw pa din ang sakit na ibinibigay ng braso ko. Gusto kong isuntok ang kanang kamao ko pero ni hindi ko iyon magawang iangat. Ako pa ang tila hinihila niyon palugmok dahil sa bigat niyon. Dinig ko ang pagtataka nina Jiro pero wala akong oras para magpaliwanag pa sa kanila. Tinatangka nila akong lapitan pero katulad kanina ay hinahawi ko lang sila. Nilapitan ako ng kasamang lalaki ni Zen. Tumingkayad s'ya sa harap ko at tiningnan ang paghihirap ko. Napabuntung hininga s'ya bago naglabas ng aura. Itim iyon na may halong pula. Agad iyong pumaikot sa kanang braso ko at agad na pumasok doon. Iyon lang at mabilis na nawala ang sakit at bigat na nararamdaman ko. Nawala din ang lamig na pakiramdam na ibinibigay niyon. Gumaan ang pakiramdam ko at saka ko lang napansin ang pamamawis ng mukha ko. Pasalampak na napaupo ako sa damuhan sa sobrang pagod na naramdaman. Pakiramdam ko ay nag-training ako ng sobra-sobra. "Pahuhupain niyan ang sakit na nararamdaman mo." Sabi ng lalaki at tumayo na. Inalalayan naman ako ni Queven at Jiro na tumayo. "Okay ka na ba?" "Okay ka lang, Crayon?" Sabay pang tanong ng dalawa. Tinanguan ko na lang sila at sumandal sa punong nasa malapit ko. "He's Alex Monasterio. Kasama s'ya sa misyon ko at isa s'ya sa apat na taong kailangan para maalis ang sumpa sa marka ng mga Mongrel. Nasa kanya ang kapangyarihan ng elemento ng pinagsamang apoy at kadiliman." Si Zen. S'ya ang sumagot sa kanina ay tanong ni Queven para sa lalaki. Napatingin kami sa ipinakilala ni Zen nang bigla na lang s'yang tumawa ng malakas. Naaaliw na tiningnan n'ya pa kami. "Mongrel." Naiiling na sabi pa n'ya. "Hindi lang naman yata lahi natin Zen ang nangangailangan ng tulong. Pati ang isang 'yan. Kailangang-kailangan n'ya ng tulong." He pointed me. "Shut up." I hissed. Kanina pa ako napipikon sa kanya. Gusto ko na lang s'yang suntukin, nanghihina pa nga lang ako. "Ano bang mayroon d'yan sa braso mo Crayon? At saan mo nakuha ang bagay na iyan?" Again. Jiro asked. At hindi ko gusto na ginagamit n'ya ngayon ang pagka-Chief n'ya sa akin. Hindi ako sumagot. Komplikado na nga ang sitwasyon ko ay mas naging komplikado pa dahil dumami na ang nakakaalam at hindi maganda iyon. "Mark of darkness. Kadena ng kadiliman. To be specific, the Abyssal Chain." Si Alex ang sumagot sa tanong ni Jiro. Lahat kami ay nangunot ang noo. Kahit ako ay napatingin kay Alex. Ang takot na naramdaman ko kanina ay nadagdagan. Nasabi man sa akin ni Bhrail ang tungkol sa pwedeng mangyari sa akin dahil sa markang nasa braso ko, hindi ko pa din naihanda ang sarili ko sa posiblemg totoong kahulugan ng bagay na ito. "Abyssal Chain? Ano iyon? Anong ibig sabihin ng pagkakaroon ng markang ito?" Si Queven. Hindi s'ya pinansin ng lalaki bagkus ay tiningnan ako ng seryoso. "Ang kapatid ni Zen ang may gawa niyan, hindi ba?" "Shut your f*****g mouth, Alex. Hindi kita isinama dito para pagbintangan ang kapatid ko." Si Zen ang nagsatinig ng inis ko sa lalaki. "Wala namang ibang may kakayahang magbigay ng sumpa ng kadiliman kundi ang taong pinili para maging sisidlan niyon." Kalmado pa ding sabi ni Alex. " Paano mo nakuha iyan?" Ayoko na sanang isalaysay pa sa kanila ang tungkol doon pero wala akong nagawa kundi sabihin sa kanila ang totoo. Ikinuwento ko ang nangyari sa naging paglalaban namin ni Donna. Kung ano ang nangyari bago at pagkatapos niyon. "So kung ganoon, hindi iyon sinasadya ni Donna." Sabi ni Jiro matapos kong magkwento. "Ang gusto kong malaman ay kung ano itong nasa braso ni Crayon." Nawawalan ng pasensyang tanong ni Zen. Hindi na maganda ang timpla n'ya dahil na din sangkot ang kakambal n'ya sa nangyayari sa akin. Sumeryeso si Alex at pinakatitigan ako. "From the word abyss. Karimlam. Walang hanggang kailaliman. Kawalan. Iyon ang ibig sabihin niyan. Sumpa ng karimlan. Isang sumpa na higit pa sa kamatayan. Habang tumatagal na nasa braso mo iyan, mas nanganganib ang buhay mo. Ang bawat parte ng katawan na maikutan ng Abyssal Chain na iyan ay unti-unting hahaluan ng sumpa ng dugo ng nagbigay n'yan sa'yo... Hindi iyan titigil hangga't hindi ka nasasakop ng tuluyan. Unti-unti hanggang sa kusa kang sumuko sa kadiliman. At mamatay." Akala ko ay handa na ako sa bigat ng ibig sabihin ng itim na kadenang nasa braso ko. Hindi pala. Magugulat pa din pala ako. Napapikit ako sa bigat na nararamdaman. Halo-halo ang emosyong nasa loob ko. Isa nga lang ang nangingibabaw doon, ang pagmamahal at kagustuhang protektahan ang babaeng nagbigay sa akin ng marka ng kadiliman. I chuckled. "Gaano katagal bago ako tuluyang lamunin ng bagay na ito?" Umiling ang lalaki. "You are the Chosen Magistrate. Iyon ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay buhay ka pa. Isinisimbolo mo ang kamatayan kaya nahihirapan ang markang iyan na tuluyang pasukin ang sistema mo." Tumingin s'ya kay Zen. "Iyon din ang dahilan kung bakit nanatili ako doon sa labas ng opisina kanina. Naramdaman ko ang presenya ng isang piniling Magistrate na may dinadalang sumpa ng isang Mongrel." "This is not good," Jiro murmured. "Kailangan natin itong ipaalam kina GrandMaester. Kailangan nilang malaman ang tungkol dito para makahanap pa tayo ng paraan." "No!" Agad na tanggi ko. "Crayon, hindi na simpleng bagay lamang ang nasa braso mo. Braso mo pa lang ang nahahawakan n'yan pero grabeng sakit na ang nararamdaman mo. How much more, kapag mismong ikaw na?" Matigas na sabi ni Jiro. Gusto ko sanang matuwa dahil kahit hindi ako isa sa mga pinamumunuan n'ya ay concern s'ya sa akin. "Walang magsasabi sa kanila ng tungkol dito." Pinal na sabi ko. "Sa oras na mangyari iyon, baka hindi na nila gustuhing bumalik dito sa Academy si Donna." Narinig ko pa ang pagmumura ni Jiro pero sapat na iyon sa akin. Alam kong hindi n'ya gugustuhing mangyari ang sinabi ko. Nabibilang na sa Skills si Donna. At kargo s'ya ni Jiro. Sapat na iyon para manahimik si Jiro. Sa ngayon. "Wala ba tayong magagawa para matanggal ang kadenang iyan?" Si Zen. Hindi ko alam kung ano ang iniisip n'ya pero nasisiguro kong nasa parehong desisyon kami ngayon. "Ang tanging makakapagtanggal n'yan ay ang taong naglagay niyan sa kanya. But I bet, hindi n'ya alam na nalagyan ka n'ya niyan. Ni hindi nga n'ya alam na may ganoon s'yang kakayahan, hindi ba?" Sagot ni Alex. "At kahit alam pa n'ya, hindi din n'ya alam kung paano aalisin iyan." "At hindi mo o ninyo sasabihin sa kanya ang tungkol dito." Babala ko sa kaninang apat at tiningnan sila. "Crayon..." Jiro tried to talk to me. Kitang-kita ko ang paghihirap n'yang magdesisyon. Isa s'yang Chief at ang hinihiling ko ay kabaliktaran sa responsibilidad na meron s'ya. "Bigyan n'yo lang ako ng panahon." I told them. Queven sighed. Napamura na lang ulit si Jiro. Nagkibit-balikat naman si Alex. "Pwede nating pigilan ang pagkalat niyan sa katawan mo. Hanggang sa magawa ni Zen na mahanap pa ang tatlong taong kailangan para sa paglilinis ng dugo naming mga Mongrel." Agad ang pagtingin namin kay Alex. Sa kauna-unahang pagkakataon ay parang gusto ko s'yang pasalamatan. "Hindi nga lamang ako sigurado kung gaano katagal ang bisa niyon." Pagpapatuloy n'ya. Tiningnan n'ya si Zen. "Kaya kailangan mong bilisan ang paghahanap sa tatlo pang katulad ko. Mapipigilan ko ang pagkalat ng kadena sa katawan ng Magistrate na ito hanggang sa makita mo ang iba pa." "Gaano kasigurado na mapipigilan mo ang pagkalat ng sumpang nasa braso ni Crayon?" Si Queven. "Sinabing kong dahil s'ya ang piniling mag-representa sa kamatayan kaya hanggang ngayon ay buhay pa s'ya. Pero hindi ko sinabing naging ligtas s'ya mula nang magkaroon s'ya ng markang iyan. Katulad ng kamatayan, agresibo ang kadiliman. At sa oras na magkasundo ang dalawa, baka hindi lang kamatayan ng kaibigan n'yo ang maging resulta. The combined power of darkness and death is undestructible as Donna's curse." "Pwede mo ba akong tulungan ngayon para mapigilan ito?" Itinaas ko ang braso ko at ipinakita ang itim na kadena. Lampas siko ko na ang pinaikutan niyon. Tumango lang si Alex. Naramdaman ko ang paglalabas n'ya ng aura. Mas madami nga lang ngayon at kitang-kita na ang paghahalo ng kulay itim at pulang aura n'ya. Lumiwanag din ang simbolo ng pagiging Mongrel n'ya na nasa batok n'ya. Mula sa kung saan ay nagtipon-tipon ang tila maliliit na hibla ng apoy. Pula iyon at nagliliyab ang bawat hibla. Iba ang init na ibinibigay niyon, mas mainit, mas naglalagablab kahit na mga ningas lang iyon. Alam ko ang tungkol sa kasaysayan ng sinaunang kapangyarihan ng mga Mongrel. Hindi ko nga lamang akalaing makakakita ako ng katulad niyon. Isang two-headed serpent ang nabauo sa likuran ni Alex. Nakapaikot pa sa lalaki ang ibabang bahagi ng serpent. Dalawa ang kulay niyon tulad sa elementong nire-representa niya. Ang kanang bahagi ng katawan ng Serpent ay kulay itim, maging ang kanang ulo nito, ang natitira naman ay kulay pula. "The mythical creature of the element of intertwined Fire. Isa ito sa kakayahang meron ako at ang tatlo pang katulad ko." Paliwanag ni Alex. Itinaas n'ya ang kamay n'ya. Mabilis na naglaho ang Serpent na may dalawang ulo at mabilis na napalitan ng itim at pulang apoy. Lumingkis iyon sa isa't-isa at kaagad na pumaikot sa nakataas na kamay ni Alex. Pinilit kong hindi pumikit nang mabilis na lumipat sa kamay ko ang itim at pulang apoy ni Alex. Pumaikot iyon sa itim na kadenang nasa braso ko at kaagad ding nawala. "Sa ngayon, ang mythical creature ko ang pipigil sa pag-usad ng abyssal chain. Pero hindi ko masisiguro ang kaligtasan mo sa oras na maitaboy ng kadiliman ang kapangyarihan ko." Paliwanag pa ni Alex. Tumango ako. Agad kong naramdaman ang pagbalik sa dati ng kamay ko. Hindi nga lamang nawala ang itim na marka. "Salamat. Sapat na ito sa ngayon." Nagkibit-balikat lang ang lalaki. ❤
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD