Chapter 18- Symphony

1323 Words
Donna's Pov: Marahang sinipa ko ang maliit na batong nakita ko. Muli akong sumilip sa pinto ng opisina ni Sir Myel pero ganoon pa din iyon, walang indikasyon na may lalabas mula doon. Muli kong sinipa ang isa pang bato na malapit sa akin. Lahat yata ng batong nandito sa tapat ko ay nasipa ko na, nangangalay na din ang mga binti ko pero kahit anino ni Sir Myel ay hindi ko pa nakikita. Kanina pa ako nandito at naghihintay kay Sir, si Sir Myel ang mentor ko at s'ya din ang humahawak sa lahat ng training schedule ko. Pinapunta n'ya ako dito dahil may panibago daw s'yang training para sa akin pero kanina pa n'ya ako pinaghihintay. Muli akong naupo, walang kahit anong pwedeng maupuan dito o sa hallway na malapit kaya pabalik-balik ako sa pag-upo at pagtayo. Agad na tumayo ako nang makarinig ng pag-ingit ng pintuan. Ang nakangiting si Sir Myel ang lumabas doon, bahagya pa s'yang kumamot sa ulo nang makita ako. "Pasensya ka na Donna," agad na sabi ni Sir Myel. "Naghintay ka ba ng matagal?" Umiling ako kahit gusto kong sabihin na may kalahating oras na akong naghihintay sa kanya. "Okay lang po ako Sir. Alam ko namang abala ang mga propesor para sa Heaven's Arena," sabi ko na lang. "Oo nga e, so shall we?" Yaya sa akin ni Sir. Hinintay ko lang na manguna s'ya sa paglalakad bago agad na sumunod. Gusto ko mang magtanong kung saan kami pupunta ay pinili ko na lang na manahimik kahit pa nga curious na curious na ako. Tumigil kami sa harap ng library. Mas nagtaka ako nang pumasok doon si Sir Myel. Pinagtinginan pa kami ng ilang estudyanteng nasa loob at abala sa kani-kanilang hawak na mga libro. "Sir," kinalabit ko si Sir Myel. "Akala ko po ba ay magte-training tayo?" "Iyon nga ang gagawin natin dito, hindi ba at sinabi ko sa 'yo na may bago akong inihandang training para sa 'yo?" Mas kumunot ang noo ko. "Sir? Dito po ba tayo sa library magte-training? Sigurado po kayo? Baka magkagulo." Nakangiting tiningnan lang ako ni Sir Myel. Nagtanguan pa sila ng librarian bago dumiretso sa ikalawang palapag ng library. Nanatili lang akong nakasunod sa kanya hanggang sa ikatlong palapag na walang katao-tao. Pakiramdam ko nga ay ni-reserve ito ni Sir para sa sinasabi n'yang bago kong training kung anuman iyon. Oval-like shape ang ikatlong palapag. Pabilog na nakapalibot sa buong palapag ang mga shelves at ang gitnang bahagi ay walang ibang laman kundi ang pabilog ding pulang carpet. Inutusan ako ni Sir na maupo sa pinakagitna ng pulang carpet. "All you have to do is to channel your aura to all the books na lalagyan ko ng kapangyarihan. Huwag mong hahayaang mahulog kahit isa sa mga aklat kahit anong mangyari," paliwanag pa sa akin ni Sir Myel. Tumango lang ako at pinanood ang ginagawa n'ya. Naramdaman ko ang paglalabas n'ya ng aura. Maya-maya pa ay lumipat ang mga iyon sa mga aklat na nakapalibot sa akin. "Now, release yours Donna," sabi ni Sir Myel. Naglabas din ako ng aura. Tinumbasan ko ang dami ng aurang inilabas ng mentor ko. Inutusan ko ang aura kong dikitan ang bawat aklat na may aura ni Sir Myel. Nakatabingi ang mga aklat kaya kaunting pagkakamali ko lang ay mahuhulog ang mga iyon. Hindi naman namin ginamit ang lahat ng aklat pero may dalawampung aklat yata ang hinahawakan ng aura ko at para sa akin ay madami na iyon. Naramdaman ko ang pagbawi ni Sir Myel sa aura n'ya hanggang sa tanging aura ko na lang ang humahawak sa mga aklat kaya mas nag-focus ako sa paghawak sa aura kong naka-channel sa mga aklat na may iba't-ibang distansya sa akin. "This is called funneling or channeling. Hindi katulad ng iba, hindi mo magagamit ng lubusan ang kapangyarihan mo kung hindi mo matututunan ang pagta-transmit mo sa aura mo sa mga bagay o sa mismong atake mo," paliwanag ni Sir Myel at tiningnan ako sandali. Maingat na tiningnan ko ang mga aklat. Lahat sila ay nanganganib na mahulog at kailangan kong iwasan iyon kundi ay buong araw na naman akong magte-training. "Isa pa, you have the ability to create and re-create. Malaking tulong kung mako-kontrol mo ang kakayahang iyon sa pamamagitan nito. And that Praevaricationem, hindi magiging matagumpay ang bagay na iyon kung wala kang sapat na kakayahan para ilipat o i-channel ang kapangyarihan mo," dagdag pa ni Sir. "Naikntindihan ko po," sabi ko at tumango. "Sa palagay ko ay hindi mo naiintindihan," sabi ni Sir Myel. Ngumiti pa s'ya kaya agad akong kinabahan. May naiisip na naman s'yang pagpapahirap na gagawin sa training ko! "Ang gusto kong matutunan mo ay ang i-channel ang aura mo kahit pa nakikipaglaban ka o kaya ay may mabigat na sitwasyon," si Sir Myel na din ang sumagot sa piping tanong ko. Medyo napangiwi ako sa tinuran n'ya. "Ito ang sinasabi ko," sabi pa ni Sir Myel at mabilis na naglabas ng air blades. Agad na umatake sa akin ang mga air blades na pinakawalan ni Sir Myel. Sa sobrang pagkabigla ay nabawi ko ang aurang humahawak sa mga aklat, nabitawan ko ang mga iyon. Kasabay ng pag-iwas ko ay ang pagbagsak ng mga aklat sa sahig. "Ang daya mo naman, Sir!" sabi ko at agad na tumayo. Medyo napasama pa ang pag-iwas ko dahil medyo na-sprain ang paa ko. Ikiniling lang ni Sir Myel ang ulo n'ya at itinuro ang mga aklat na nasa sahig. "Nawalan ka ng kontrol, mas mabuting iyon ang problemahin mo," sabi pa n'ya. Wala akong nagawa kundi pulutin ang mga aklat at ibalik sa shelves. Muli akong umupo sa gitna ng silid. Naglabas ulit ako ng aura at i-chinannel iyon sa mga aklat. Muli kong inihanda ang sarili ko sa atake ni Sir Myel. Mad nadoble ang air blades na inilabas ni Sir at pinaikutan ako niyon. Nagpaikot-ikot ang mga air blades sa may ulunan ko. Malikot ang mga iyon na tila humahanap ng pagkakataon para atakehin ako. Naging malikot din ang mga mata ko habang nakasunod sa mga air blades. Hindi ko nga lamang inaasahan ang sunod na ginawa ni Sir Myel. Naglabas s'ya ng maliliit na whirlwinds at iyon ang diretsong umatake sa akin. Ramdam ko ang adrenaline rush sa katawan ko. Agad akong gumulong paiwas at sa pangalawang pagkakataon ay nabitawan ko ang aura kong humahawak sa mga aklat. "Aray." Napaingit ako nang tumama ang ulo ko may paa ng upuang malapit sa isang shelve. Halakhak ni Sir Myel ang tanging narinig ko. Nang tingnan ko s'ya ay mukha talaga s'yang tuwang-tuwa sa nakikita. Tiningnan ko na lang s'ya ng masama bago tumayo. Muli kong ibinalik ang mga aklat sa kani-kanilang lalagyan at naupo sa pwesto ko. Naulit nang naulit ang pagpalpak ko habang tuwang-tuwa namang tinatawanan lang ako ng mentor ko. Ilang beses ko pang ginawa ang pinagagawa ni Sir at habang tumatagal ay nakakasanayan ko na ang mga pag-atake ni Sir Myel. Napataas ang kilay ko nang hindi lang air blades at whirlwinds ang pinakawalan ni Sir. May kasamang air balls na ang mga iyon! Mabilis na nilagyan ko ng aura ang palibot ko at iyon ang sumalo sa mga atake ni Sir. Tumalbog ang mga atake n'ya at agad na nilagyan ko ang mga iyon ng aura at itinapon pabalik sa kanya. Mabilis na nakaiwas si Sir kaya sa pader tumama ang mga atakeng itinapon ko sa kanya. Gumawa ang mga iyon ng maliliit na pagsabog. "Good! Very good, Donna!" Sir Myel clapped his hands. "Mabilis kang natuto kahit pa mas madami ang kapalpakan mo." Sumimangot lang ako. Ang galing talaga n'yang mag-motivate. "Mas mabuting ipagpatuloy natin ito, syempre dapat ay mas madaming atake ang pakawalan ko," sabi ni Sir na mas lalong ikinasimangot ko. ❤
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD