Venice' Pov: Muli kaming naglakad sa patungo sa mas maraming tao. Sumenyas sa akin si Zen, tumango lang ako. Nakailang senyas na s'ya mula pa nang lumabas kami. Nakita ko pa sa gilid ng mga mata ko nang mapailing ang lalaki. He acted like he's busy looking at the stuffs of the street vendors. Ganoon ang ginagawa n'ya kaya nagulat pa ako nang bigla na lang n'yang hawakan ang kamay ko. Ni hindi ko napansin na nakalapit na s'ya sa akin. He pulled me closer, bahagya pa n'ya akong inakbayan. "You felt it, too. Right?" He whispered. Huminga ako ng malalim at pasimpleng pinag-aralan ang paligid. "Yes. Kanina pa." Ramdam ko ang pagmamadali sa bawat hakbang n'ya. Ako mismo ay napabilis din sa paglalakad dahil sa braso n'yang nasa balikat ko. Lumalakas ang presensyang nararamdaman namin. Hind

