Chapter 15: Yhein-Yhein Birthday Party
Hinatid ko muna si Yhein sa bahay nila bago ko puntahan ang Otaku Squad.
"Oh Pre aga mo ah" salubong sakin ni Hekaro ng buksan nya ang pintuan ng bahay nya, sya din ang nag pangalan sa grupo namin.
"Nag text sakin yung kaibigan ni Yhein sasama daw tayo sa pag plano ng birthday party ni Yhein" sabi ko sa kanya
"Kilan na nga ulit birthday ni Yhein?" Tanong nya
"Sa martes" sagot ko at binigyan naman nya ako ng gulat na expression
"Sa martes? Alam mo ba na halos isang linggo kaming nag handa at nag plano para sa birthday party mo kaya ganon na lang kaganda! Tapos yung kay Yhein sabado, linggo, lunes takte! Tatlong araw lang?!" Reklamo nya kaya napa kamot ako ng ulo
"You bastard! Tara na wag kang madaming Dada!!" Sabi ko at sumakay na sa Kotse at pinuntahan na namin si Andro, Kae, Mat at Fed.
"So san ang meeting?" Inaantok na tanong ni Kae
"Sa Mercado Café daw" sagot ko at pumalakpak naman sya at sinabing 'Yes! Nandon yung favorite coffee ko!'
"May meeting tayo?" Tanong ni Mat
"Oo nga!" Sagot nina Andro
"Para saan?" Tanong nya ulit
"Sa birthday party nga ni Yhein" sagot ko. Pag dating namin sa Mercado Café sa unahan pa lang ng pintuan nakita na namin sina Chrizelle.
"Hi there guys!" Salubong ni Chriz
"Hi" sabay sabay na sabi namin
"By the way this is Mystical Luke Adrian Peña, Alfred Sena at syempre kami HAHAHA"
Yhein-Yhein P.O.V
Nakaka inis na nakaka kilig ang ginagawa ni Prince. Kanina pa kasi nya ako nilalambing eh tas inaya pa nya ako na doon matulog sa kanila tas sabay na daw kaming pumasok sa school bukas.
"Saan mo gustong pumunta?" Tanong nya 'Damn! Bakit ba ang sweet mo?'
"Kung saan mo gusto" naka ngiting sagot ko. Mag fa-five na at heto malapit ng lumubog ang haring araw. Nandito kami sa Cal Breakwater at pareho naming gustong manood ng sunset. Nung nasa Sanasra pa lang ako kami nina Kiel, Arnulfo at Chriz lagi kaming nanonood ng Sunset ang ganda ganda kasi eh. Sunset make me cry lagi kasi akong may naaalala at sa tuwing nanonood ako ng sunset nag papasalamat ako sa panginoon, siguro buhay ko na ang sunset.
"Bakit ang tahimik mo?" Tanong sakin ni Prince na alam kung naka titig sakin
"Ang ganda ng sunset noh" malayong sagot ko at pinag mamasdan lang ang palubog na araw
"Subrang ganda" */tumawa at doon naman ako tumingin ng masama sa kanya
"Hindi naman ikaw nakatingin sa sunset eh!" Sabi ko ng gumuso pa
"Oo nga, kasi sayo ako naka tingin" sabi nya habang humiga sa hita ko tsk! Nakaka inis bakit ba ako Kinikilig?!
KINAUMAGAHAN
Hindi ko alam kung bakit ako naiinis! Sa lahat ng taong mahalaga sakin si Prince lang ang naka alala ng birthday ko huhu.
"Nagustuhan mo ba yung regalo ko sayo?" Tanong nya habang papunta kami sa bahay
"Sino ba naman ang hindi magugustuhan ang regalo mo?" Balik na naka ngiting tanong ko sa kanya. His gift is a necklace at super duper ganda nya!
At nang makarating kami sa bahay inaya nya ako na papasok din daw muna sya sa loob oh eh ano ba namang magagawa ko?
"What the!" Sabi ko na napatakip pa ng bibig dahil pag pasok ko sa bahay Bigla na lang may mga kumanta ng...
"Happy Birthday"
Prince P.O.V
Subrang saya ni Yhein ngayon na para bang sinasabi ng mga mata nya 'This is the best gift of my life.'
"Happy Birthday Yhein!!!!" Sigaw ni Kiel
"Baby Girl!!!! Happy Birthday!!!" Sabay na sabi nina Arnulfo at Chriz at ganon din ang buong Mystical at Otaku Squad at napa iyak pa si Yhein ng makita nya ang Lolo at Lola nya. At pag katapos nya kaming pasalamatan muntik na syang madulas pero nasalo sya ni Felix!!
"Ay nadulas" parinig ni Fed
"Kaso iba sumalo" dugtong ni Andro
"HAHAHA selos" ani Kae
"Bakit ako mag seselos? Eh mahal ako ni Yhein" at doon tumawa ang mga luko