Chapter 26 Mikay's POV Di ko inakala na susundan ako ni Manang at Kuya Arthur dito sa resthouse namin sa Tagaytay. Mas lalo kong naramdaman ang pag-aaruga at pagmamahal nila sa akin. Inalalayan ako ni Kuya pababa ng kaniyang kotse. “Be careful, sissy. You need to be extra careful 'cause you have a little angel in your tummy.” I felt his care for me. “Thanks, Kuya. Do I have to tell Father Aris about my pregnancy?” Nakita ko ang pagka-seryoso sa mukha ni Kuya. Tumango siya, ngunit may halong alinlangan sa kanyang mga mata. "I think it's important that you tell him, Mikay. He has the right to know. Pero ikaw pa rin ang magdedesisyon kung kailan at paano." Nag-isip ako sandali. Hindi ko pa talaga alam kung paano ko haharapin si Aris. Marami akong tanong sa aking sarili. Kung sasabihin k

