MALAKI ANG mga ngiti sa labi ng bagong mag-asawa. Katatapos lamang ng kanilang kasal at ngayon ay patakbo silang lumalabas sa simbahan habang magkahawak ang mga kamay. They are happily married witnessed by God, friends and family. Walang mapagsiglan ang saya sa kanilang mga puso dahil sa lahat ng mga pagsubok na kanilang pinagdaanan sa kanilang pag-iibigan ngayon ay walang humpay na saya naman ang kanilang tinatamasa. Natatawang ihinagis ni Richell ang hawak na bulaklak habang buhat buhat siya ng asawa. Sa likod naman nila ay ang kanilang pamilya at mga kaibigan na may mga ngiti rin sa labi. "Akin 'yan," dinig niyang tili ni Vale at talagang halos makipagpatayan makuha lamang ang bouquet. "Ipaubaya niyo na sa'kin mag-iisang taon na akong tigang," hinablot nito ang bulaklak na napunta s

